CHAPTER9: About him

520 21 0
                                    

Juliana's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa likod ng university ng mapansin ko si Krystal na nakaupo sa sahig habang pinapaypayan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang kamay.

Napano kaya ang babaeng ito?

"Anong nangyari sa iyo? Napano ka?" tanong ko sa kaniya

Di siya sumagot sa akin. Sa halip tinuro niya ang likod ng university. Nakita ko duon si Yuri na sinigawan si Lucas.

My eyes widened "Is she stupid?!"

Nang matapos na ang kanilang away at naka-alis na sina Lucas agad kaming lumapit sa kaniya at sinermonan siya.

"Ba't mo ginawa iyon?!"

"I'm just doing the right thing"

"Di mo ba alam na muntik mo nang ipahamak ang buhay mo?!"

Grrr! May saltik talaga ang babaeng ito!

"Bakit ba kayo takot sa kanila? Tao lang naman sila tulad natin"

Kung alam mo lang...

"Tsk! Tsk! Tsk! Di niyo pa kasi siya nakitang magalit"

"Storya mo nga sa amin"

"Ganito kasi yan...Last 2years di naman talaga ganiyan si Lucas na isang badboy, playboy, bully. Nang dahil yun sa isang babae at yun si Amara" panimula kong sabi sa kanila

"Si Amara ay bagong transferee non halos lahat nagkakagusto sa kaniya dahil sa angkin niyang ganda"

"Maganda rin ang kaniyang ugali too make the story short. Nahulog ang loob ni Lucas sa kaniya. Eh may feelings narin pala si Amara nuon sa kaniya nang nagka-alaman na sila nang feelings nagsimula ng manligaw si Lucas"

"Pero hindi agad sinagot ni Amara si Lucas dahil gusto niya muna mabago ang ugali nito. Katulad ngayon ganuon din ang ugali ni Lucas dati. Nang dahil sa love binuwag ni Lucas ang grupo na Dark Ace. Nagbago din ang ugali nito kaya sinagot siya ni Amara"

"Maganda ang naging takbo nang relasyon nila. Sweet sila sa isa't-isa at di mo man silang makikitang mag-aaway, halos nasisita pa nga sila dahil palagi silang PDA! Yung makikita mo silang magkayakap yung common na makikita mo sa mga mag-syota. Pero dahil ang parents ni Lucas ang may-ari ng university na ito hindi sila napaparusahan"

"Pero hindi rin nagtagal ang relasyon nila..."

Kumunot ang kanilang mga noo matapos kong sabihin iyon.

"Ha? Bakit? " takang tanong ni Krystal

Haha! Ang epic ng face!

"Naaksidente si Amara"

Nakita ko sa kanilang mga mata ang kanilang lungkot.

"Huhu! Kung movie lang yang storya na iyan di ko papanuorin"

Napatawa nalang ako sa reaksiyon ni Krystal.

"Bilis tuloy mo na" angal ni Yuri

"At nang dahil sa aksidente nagkaroon ng amnesia si Amara nakalimutan niya si Lucas. At ang tanging naalala niya lang ay ang kaniyang pamilya. Kahit anong gawing effort ni Lucas kahit dalhin niya ito sa mga lugar na kung saan may mga memories sila. Wala parin maalala si Amara and then one day nakita na lamang ni Lucas na may kahalikan si Amara"

"How sad naman" sabi ni Krystal sabay pout

"Sumabay pa nuon yung paghihiwalay nang parents niya. Dahil nalaman nang kaniyang nanay na meron pa lang babae itong tatay niya"

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon