CHAPTER12: A Deal again

445 22 0
                                    

Yuri's POV

Di ko napansin na 3:45 am na pala nang madaling araw. Di ako makatulog, masyado kasi akong naging pre-occupied ngayon araw na ito. Una yung nangyari sa mall. Pangalawa naman yung tungkol sa stepbrother ko. Ewan ko ba, kala ko magiging maayos yung buhay ko dito pero katulad nang dati. Magulo parin.

Bumaba ako papuntang kusina. Kinuha ko ang isang kahon nang gatas at isinalin ito sa baso. Umupo ako sa isa sa mga silya dito sa kusina namin at tahimik na uminom.

"Gising ka na pala"

Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Tita Cathy. Si tita Cathy ay isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay. Ang totoo niyan tatlo silang mga katulong dito, si ate Myrna, ate Luisa, at si tita Cathy. Ate ang tawag ko sa dalawa dahil nasa 30 palang ang mga edad nang mga ito at tita naman ang tawag ko kay tita Cathy dahil nasa around 40 years old na siya.

Ayaw ko silang tinatawag na 'yaya' dahil para sa akin isa na sila sa mga pamilya ko. Halos limang taon na silang nanunungkulan sa pamilya namin, kaya para na talaga silang pamilya sa akin.

"Good morning po" bati ko

"Good morning din. Aga mo yatang nagising"

"Ang totoo po kasi niyan di pa po ako nakakatulog"

"Ikaw talagang bata ka. Alam mo namang masama sa kalusugan yung pagpupuyat" sermon niya sa akin sa malumanay niyang boses

"Hehe sorry po"

"Akyat ka muna sa taas at matulog"

"Sige po" agad kong inubos ang gatas na iniinom ko

"O siya. Labas muna ako at magdidilig"

"Sige po"

Umakyat na ako papunta sa kuwarto ko at pinilit na matulog.

****

"Sakit nang ulo ko"

Kinapa ko sa ilalim nang unan ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na at kung may na-receive ba akong message.

Tiningnan ko kung anong oras na at 5:03 am palang pala. Bumaba na ako at nakita ko duon si mommy na kumakain.

"Good morning" bati niya sa akin

"Morning" umupo na ako at nagsimula nang magsalin ng pagkain sa plato ko. Bacon at egg ang almusal namin ngayon

"You look pale"

"Just lack of sleep" sabi ko sabay subo ng pagkain sa bibig ko

"I see"

Makalipas ng ilang minuto natapos narin akong kumain at nag-ready na ako sa pagpasok.

***

Nakita ko agad si Krystal kaya agad ko itong binati.

"Si Juliana?" tanong ko ng mapansin di niya ito kasama

"A-absent daw siya" nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom namin

"Bakit daw?"

"Siguro, dahil dun sa emergency sa kanila"

Tumango na lang ako. Pero bigla ko ulit naisip yung sa stepbrother ko.

"About dun sa kahapon" simula ko

"Siguro huwag muna natin pag-usapan iyon nakaka-stress lang"

Nang makapasok na kami sa classroom naabutan namin duon ang ibang kaklase namin at sina Lucas. Himala ang aga yata nila ngayon? Pero di parin non maalis na naiinis parin ako sa kaniya ang sama kasi ng ugali.

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon