CHAPTER30: It's his Birthday

202 5 4
                                    


Yuri's POV

"Leave my girl alone"

Binitawan ako ni Yuan at tinaas ang dalawang kamay nito na parang sumusuko.

"Sorry man. I di-" di niya pinatapos ang sasabihin nito at hinila niya ko papalayo kay Yuan

"What the fuck are you doing here?" naasar na tanong nito

Inirapan ko lang siya at pinag-krus ang aking mga braso.

"Ako nga dapat magtanong niyan diba?" pa sarkastikong sagot ko

"Stop acting like that" iritang sagot nito

Ano daw?!

"E anong gusto mong reaksiyon ko? masaya? siyempre maiinis ikaw ba naman hihilain ka papunta kung saan!" lintanya ko

Ginulo nito ang buhok at halatang asar na
"Ughh!"

"Okay it's not what you think" sabi nitong nakatingin sa akin ngunit ako itong pabebe ay pinaglalaruan ko lamang ang aking mga kuko

"Will you stop acting like a child!" iritang sabi nito at binaba ang aking mga kamay

"Tsk"

"Tell me why are you here and then I'll explain"

Tiningnan ko siya at dineretsong sinagot "Anniversary ng banda nina Terrence ininvite niya kami"

Ginulo ulit nito ang buhok nito "Do you know what fucking time is it now? It's fucking nine in the evening?"

"So?" pabalang sagot ko

"Fuck! Why didn't you call me then?"

Grabe galit na siya pero di ako papatalo sa init ng ulo niya dahil ganun din ang nararamdaman ko.

"Duh? your not even replying my text"

Punta sa kaliwa. Punta sa kanan yan ang kilos ni Lucas ngayon dahilan para mahilo ako.

"Shit yeah...I forgot my phone is on Jake"

Buti naman huminhin na siya.

"Edi di kana sana pumunta!"

Okay galit na naman. Dapat ako yung galit diba kasi nakita kong may babae siya!

"Duh? sino ka ba tatay ko para diktahan kung ano yung mga gagawin ko?" di nagpa-patalong sagot ko parin sa kaniya

"You're giving me a headache you know that?"

"Mas galit ako no! may mga babae ka kaya!"

"Mali ang iniisip mo"

"Kitang-kita ko nga sinasayawan ka nung babae!"

Buti na lang nasa kulob na lugar kami kundi nakakahiya talaga sa mga tao.

"Kaya nga tumayo ako diba kasi ayaw ko yung ginagawa nila! and why would I waste my time to that girl or any other girls in the world when I have you!" sigaw nito

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang mga huling salitang binitawan niya. Tila naglaho lahat ng inis ko sa kaniya.

Seriously kinikilig ako!

"I...ughm...don't know what to say" yun na lang ang mga nasabi ko sa mga oras na yon dahil grabe parang sasabog na yung puso ko.

"And one more thing is, who's that guy?" mahinhin na niyang sagot ngayon

"Yuan" I simply said

"Fucking Yuan who?" balik na naman na inis na sabi nito

"Fucking kabanda ni Terrence"

Sinamaan niya ako ng tingin. "I told you about cursing"

Di ko alam ang nangyayari sa akin ngayon. Para akong tanga dahil kani-kanina lang sinisigawan ko siya ngayon mukha akong tuta na naging maamo.

Hinilot nito ang sentido nito at tumingin ulit sa akin "Haay...kailan kaba magtatanda? ilan beses na napahamak buhay mo what if may nangyari na naman sa'yo?"

Oh my gosh! concern!

"Okay. Always text or call me when your going out I'll go with you if needed" parang kapatid na sabi nito

"Okay" masunurin na sagot ko naman at niyakap niya ako

Habang nakayakap siya sa akin at ako nina-namnam ang mga bawat yakap niya. Itong bwiset na bibig ko naman ay nagsalita.

"Sino pala yung mga babaeng yon?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap at sinagot ang tanong ko.

Bwisit na bibig to tumigil kana.

"Nah...don't mind them. Dinala sila ng mga kaibigan ko for some entertainment"

"Na-entertain ka naman?"

Sabi ng tigil eh!

"Of course not"

Sa di kalayuan nakita ko sina Krystal na papunta sa lugar namin kaya inayos ko na ang sarili ko.

"Uy ba't nandiyan kayo?" sabi sa amin ni Krystal

"Nothing may pinag-usapan lang" sagot ko

Lumapit sina Jake at Tyler kay Lucas at tumingin sila sa akin.

"Hiramin muna namin siya" sabi ni Jake na ikinatango ko naman

"Nah. I'll take home Yuri" sagot nito sa kanila

Ito naman si Krystal siniko ako at mukhang tanga pinipigilan ang tawa.

"Hindi sige una kana kasabay ko sila uuwi" sabay turo kari Krystal

Ngunit nanliit ang mga mata nito na parang di naniniwala.

"Totoo sabay-sabay kami uuwi!" sinagot na siya ni Juliana

Umangal pa nung una si Lucas ngunit sumama din kari Jake.

"Happy birthday nga pala ulit Lucas!" sigaw ni Krystal at gayon din si Juliana

Wait what?

"Birthday niya?" nagtatakang tanong ko nang makalayo na sila

Mukha naman nabigla sina Krystal sa sinabi ko.

"Di mo alam?" sabay na sabi nila at ako naman ay umiling

"Patay ka diyan gusto mo siya pero di mo alam birthday"

"Tsk tsk! problema yan"

"It's his 18th birthday girl!"

Huwaaa!! Totoo?! For real?!

Di ko siya na-greet! and where is my birthday gift?!

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon