CHAPTER32: Plan

40 1 2
                                    


Happy 15.9k reads! Yey!🎉

Yuri's POV

Ilang araw na rin ang lumipas simula ng magkikilala sina Lucas at nanay niya kaya palaging nasa bahay siya.

Hinahatid at sundo niya rin ako papunta sa school na ginagawa naman niya nuon pa.

"Good morning. You look great today" bati niya sa akin pagkalabas ko palang ng gate.

"Alam ko matagal na" mahangin na sabi ko

Kapal ng face ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at umalis na.

Masasamang titig ng mga estudyante ang bungad nila sa akin ngunit binabalewala ko nalang ang mga ito. Sanay na ko sa ganito lalo na kapag kasama ko si Lucas.

"Gumaganda ka lalo yata ngayon Yuri" sabi sa akin ni Jake at inakbayan ako, nginitian ko naman siya "Ikaw nga din lalo kang gumagwapo"

"Back off Jake. She's mine" at hinila niya ako sa kaniya

"Ito naman ang sungit share you blessings"

Sinamaan niya ito ng tingin at bumalik na sa puwesto niya.

"Peace tayo"

Para talagang alien si Jake.

Di pumasok si Terrence kaya nagtaka ako kasi di pa naman iyon umaabsent.

Madaling natapos ang klase. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na kami ni Krystal habang nasa likod ko naman si Lucas pati ang mga kaibigan niya.

"Yuri I think I'm falling for Blue" mahinang sabi nito

Matagal ko ng ramdam yon at tanggap ko na sila kaya di ko maiwasan kiligin.

"I'm happy for you" pinagpapalo ko siya sa braso dahil sa kilig

"Thank you beshyyy"

Bumili na kami ng makakain at humiwalay muna sa amin sina Lucas.

"Hintayin kita mamayang uwian"

"Sige"

"Take care" nginitian ko siya at lumayo na siya sa amin

He's so freaking handsome!

Pinagpapalo ako ni Krystal sa braso indikasyon na kinikilig siya
"Aray naman!" angal ko

"Sorry beshyy pero kinikilig ako"

"Ang pogi ng Lucas ko no" pang-aangkin ko

"Sorry Yuri mas pogi yung Blue ko"

Napangiti ako at kinilig kaya natawa kami sa isa't-isa.

Mabilis lumipas ang oras at dumiretso na ako sa parking lot. Nakita ko si Lucas na nakasandal sa kotse niya kaya di ko maiwasan ma-excite.

Binilisan ko ang paglakad ko nang humarap siya sa akin at ngumiti dahil siguro sa pagmamadali ko may nakakahiyang nangyari...

Natapilok ako at nasubsob.

"Yuri!" tumakbo papunta sa akin si Lucas at tinulungan ako tumayo

Tinakpan ko nang buhok ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Are you ok-"

Magsasalita dapat siya ngunit pinutol ko na iyon "Huwaa! Lucas natapilok ako! Nakakahiya! Kaya tumawa kana!"

Di niya maiwasan matawa kaya mas lalo akong nahiya "Hahaha!" tawa niya

Pinagpapalo ko siya sa braso niya dahil sa kahihiyan at dahil na rin sa pagtawa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon