CHAPTER10: Arcade

608 27 2
                                    

Yuri's POV

"She's my sister"

Kapatid niya si Amara! Now I know, kaya pala ang dami niyang alam.

"Actually, ate ko siya mas matanda siya ng one year sa akin" patuloy na sabi niya

"Pero bakit magkasing-grade lang kayo?" tanong ni Krystal sa kaniya

"Kasi umulit siya nang pag-aaral nung grade 5 pa lang siya. Madalas kasi siyang dapuan nang sakit nuon kaya ayun puro siya absent"

"Kaya pala"

"Oh, sige mamaya nalang natin pag-usapan ang mga to. Mag-mall muna tayo ngayon"

"Cutting?"

"Parang ganuon na nga"

"Fine" inayos pa ni Krystal ang kaniyang bag at kinuha ang kaniyang make-up kit at nag-ayos. Ako naman nag powder lang ako and ready to go na.





"Tara sa arcade tayo!" yaya ni Krystal

"Paano mga to?" tinaas ko yung mga shopping bags na hawak ko

"Edi dalhin"

"Ang bigat kaya" angal ko

"Oh kaya. Lagay muna natin sa baggage counter"

"Talino!" tinapik ni Krystal ang likod ni Juliana

Pagkatapos namin pumunta sa baggage counter, pumunta na kami sa arcade. Malalaman mo talaga na ito ang arcade dahil sa ingay pa lang nito galing sa mga iba't-ibang laro.

"Tara duon tayo" tinuro ni Krystal yung left side nang arcade na kung saan duon naka-locate yung mga larong racing.

"Seriously?" tumigil kami sa pagpunta ni Krystal duon sa station na iyon nang mapansin hindi nakasunod sa amin si Juliana

"First time?" tanong ni Krystal sa kaniya.

Tumango naman ito pabalik.

"You'll love it" sabi ulit ni Krystal sabay kapit nito sa kaniyang braso

"And we will assure you" dugtong ko naman sabay kapit din sa kabila niyang braso at hinila na namin siya papunta duon sa mga laro.

Pagkatapos namin mag-race sumunod naman kami sa mga barilan. Ito kasi yung hilig namin ni Krystal yung mga larong panlalaki. Kahit medyo girly kami may side din kaming boyish. Si Juliana nga tuwang-tuwa sa mga games first time niya lang daw laruin ang mga yon.

"Wooh! That was so fun!" masayang sabi ni Juliana

"Anong next game?" tanong ko naman

"Basketball?"

"Game"

At yun na nga pumunta kami duon kung nasaan naka-locate yung basketball station.

"Favorite game ko talaga yung basketball!" masayang sabi ni Krystal

"Talaga?" tanong ni Juliana sa kaniya

"Oo!"

"Di halata ah!"

"Porket girly ako at maarte may pagka-boyish din ako" nakangusong sabi Krystal

Natawa nalang si Juliana sa reaksiyon niya

"Ako naman favorite ko ang pagda-drive" sabi ko naman

"Kaya pala ikaw palagi nanalo kanina duon sa racing"

"Siyempre pero gusto ko rin naman yung basketball mas prefer ko lang yung racing"

"Ako naman first time ko lang laruin ang mga to palagi kasi ako nasa bahay ayaw kasi ni mommy palagi akong nasa labas " may pagkalungkot na sabi niya

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon