Yuri POV"Uy mommy! Kiniss nung boy yung girl kanina!"
Tiningnan ko yung bata at tumawa ang mga magulang nito at tumingin sa amin.
Tumakbo palapit sa akin ang bata at bigla akong yinakap.
"Mommy siya yung gusto kong kakasal sa akin"
Tinapatan ko ang tangkad ng bata at pinisil ang pisngi nito.
"Pasensiya na" sabi nung nanay at binuhat paalis sa akin ang bata
Umalis na ang pamilya at nakita ko si Lucas na may dala-dala ng dalawang ice cream.
Akmang kukunin ko sana ang isa ngunit inilayo niya ito.
"What?"
Kumain ulit siya nung ice cream at parang inaasar ako.
"Tara na" naglakad na ito habang kumakain parin ng ice cream
"Hoy! yung ice cream ko!" sigaw ko at lumingon ito
"Hm?"
Lumapit ako sa kaniya.
"Nang-aasar kaba?"
"Nope" he licked again the ice cream
"Argh! bala ka nga diyan bibili ako mag-isa ko"
Dali-dali siyang lumapit sa akin at dinikit nito ang isang ice-cream sa ilong ko
"Oh ayan"
"Lucas!" sigaw ko at pinunasan ang ilong ko
"Huwag ka kasing makipag-usap sa kahit kaninong lalaki"
Tinutukoy niya ba yung bata?
"Tangina naman Lucas bata lang yon!"
"No one's exempted"
Dali-dali siyang naglakad at dahil mahaba ang mga binti nito agad siyang nakalayo.
Tinopak na naman.
***
Natapos ang masayang araw na iyon sa isang asaran.
Pero ngayon nag-aayos na ako para sa pagpasok sa school.
"Oh kumain kana?" tanong sa akin ni mommy
"Opo kumain na. Mauuna na ako"
"Okay take care"
Pagkalabas ko nang gate sinalubong muna ako ni Foxy yung aso.
"Bye!" paalam ko at binigyan siya ng pagkain
Hinatid na ako ni manong sa school at sumalubong sa akin si Krystal at Juliana
"Yuri?" bungad na sabi ni Krystal habang kami naglalakad
"Oh?"
"Nanliligaw sa akin si Blue" nanlaki ang mga mata ko
Narinig kong natawa si Juliana dahil na rin siguro sa reaksiyon ko
"Seriously?"
At agad itong tumango
"Oy Krystal huwag mong agad sasagutin yan si Blue na yan mukha man siyang matino..ayyy baka may hidden agenda yan!"
Marami pa akong sinabi kung ano-ano kaya natatawa sila sa akin pero okat na yon atleast may kabuluhan naman pinagsasabi ko no!
Knowing Krystal alam kong may gusto na siya kay Blue.
Pagkapasok namin sa room marami-rami na rin ang mga estudyante nandiyan na rin si Terrence ngunit si Lucas wala pa -_-
Tiningnan ako ni Terrence ngunit di siya ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/92030291-288-k143974.jpg)
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My Heart
Teen FictionMeet Yuri The girl who has almost everything in life. Beauty, brain, talent, and money, yet she's a ill-tempered and a hardheaded woman she will do anything what she thinks right. But despite of her attitude, she's a compassionate and a kind woman i...