Yuri's POVKinabukasan pagkapasok ko sa eskuwelehan bumungad sa akin si Terrence na nagbabasa nang libro.
Napapadalas na yata yung pagiging masipag niya ah.
"Hello! good morning!" bati ko sa kaniya
Ngumiti ito sa akin at humarap.
"Good morning"
Umupo ako sa aking upuan at binuksan din ang isa sa aking mga libro.
"Uy mamaya pala 2nd anniversary ng banda namin. Sama kayo ulit" yaya nito ng nakangiti
Putik naman di panga ako nakaka-move on dun sa nangyari dati eh.
Pero oo nga pala di niya pa alam yon.
"Sige na! importante sa akin ito atsaka minsan lang to. May kasama ka naman pumayag na sina Krystal at Juliana"
"Ughm. Di ako puwede eh..."
Nagkamot ng ulo si Terrence at sumimangot.
"Minsan lang naman to. Sige na! sabagay tinuon muna lahat ng oras mo kay Lucas"
"Uy di ah!"
"Then come with us"
Di rin naman ako makatanggi kasi kaibigan ko si Terrence pati di din ako titigilan nina Krystal kapag di ako sumama.
Inikot ko ang aking mga mata at parang bagot na sumagot
"Oo na kaso sandali lang ako"
"Yes!"
Lumipas ang oras ngunit walang Lucas na dumating.
Miss ko na tuloy siya.
"Mamaya no!" paalalang sabi ulit ni Terrence bago siyang tuluyan umalis
"Sige ba-bye!" paalam ni Krystal kay Terrence
Lumabas na ako ng room kasama si Krystal
"Hoy lalim ng iniisip mo!"
Naiinis akong napakamot sa ulo ko "Di kasi pumasok si Lucas tapos di pa siya nagte-text" asar na sagot ko
"Ay iba pumapag-ibig na! Pero may label na ba kayo?"
"Baliw"
Inismiran niya ko at tiningnan din ang cellphone niya.
"Tsk ako nga din eh dipa nagte-text si Blue di din siya pumasok"
"Luh? may okasyon ba?"
Siguro nag-cutting ang mga mokong na yon.
"Oo nga humanda sakin yon bukas"
Tumawa ako at ginaya din ang sinabi niya "May label ba kayo?"
"Ulol"
***
Sinundo kami ni Juliana at sabay-sabay kami pumunta sa gig nina Terrence.
At si Lucas ayun wala parin akong balita kaya tinext ko na siya
To: Lucas
Woy! ba't di ka pumasok?
*Message sent*
"Haay" buntong hininga ko
Buti nalang iba na yung lokasyon nang bar na pupuntahan namin ngayon baka makita ko ulit ung mga muntik na manggahasa sa akin.
Anyway. Baka di na nakakalakad mga yon.
Pagkapasok namin sa bar ingay agad ang bumungad sa amin bago ako umupo tiningnan ko muna yung phone ko.

BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My Heart
Ficțiune adolescențiMeet Yuri The girl who has almost everything in life. Beauty, brain, talent, and money, yet she's a ill-tempered and a hardheaded woman she will do anything what she thinks right. But despite of her attitude, she's a compassionate and a kind woman i...