CHAPTER17: Help

278 17 1
                                    

Yuri's POV

Kasama ko ngayon sina Krystal pati Juliana dito sa akin kotse. Alam kong wala pa ako sa legal age para mag-drive pero kahit ganon may student licence naman ako.

Nang makarating na kami sa lugar kung saan kakanta sina Terrence bumaba na kami ng kotse. So, bar pala ito.

Pagkapasok namin sa loob bumungad sa amin ang napakaraming tao. Ano pa bang expect ko? It's a bar after all. Agad sumalubong sa amin si Terrence nang nakangiti, siya na rin ang kumausap duon sa bodyguard na papasukin kami. Wala pa kasi kami sa legal age, kailangan 18 and above lang ang allowed pumasok.

"Salamat nakapunta kayo. Lalo na ikaw" sabi niya sa amin ng nakangiti

Ang hilig talagang ngumiti ng lalaking to, dinaig pa si spongebob.

"Tara"

Sinundan namin siya at dinala niya kami sa bandang di mataong lugar.

"Diyan muna kayo. Order lang kayo kung anong gusto niyo. Libre ko" at yun na nga umalis na siya. Magre-ready na siguro siya.

"Ang haba ng hair mo" sabi sa akin ni Juliana

"May Lucas kana may Terrence kapa" sabi pa ni Krystal

Alam na rin ni Juliana yung tungkol sa fake relationship namin ni Lucas. Nung una ayaw kong istorya sa kaniya dahil na rin kasi kay Amara pero sa huli nasabi ko rin. Kaibigan na rin naman namin kasi siya, atsaka okay lang daw iyon baka nga daw ako pa yung makapagbalik ng dating Lucas pero tinawanan ko lang siya sa kalokohan na'yon. Basta lang daw alam ko yung limitation ko baka kasi may masaktan daw akong tao. Di rin nagtagal nagsimula nang magpakilala sina Terrence kaya nagsitayuan na kami nina Krystal at pumwesto na sa harap.

Marami na din fans yung banda nila kahit bagu-bago lang sila. Di ko rin naman sila masisi dahil looks pa lang nila pamatay na. Naistorya na rin kasi ni Terrence kay Krystal nung magkatabi sila dun sa group activity namin, na nagsimula daw yung banda nila last month tapos yon sinabi sa amin ni Krystal.

"Waaaah! I love you Terrence!!"

"I love you Kent!!!"

"Ace!!!"

"We love you!!"

"Waaaah! Ba't ba ang popogi niyo!"

Grabe yung tili ng mga babae makabasag ng eardrums!!

Kinuha ni Terrence ang mike at nagpakilala. Infairness ang pogi niya ngayon.

"Hi guys! thank you for coming tonight!"

"Terrence!!"

"I love you!!"

"I'm Terrence the vocalist"

"Wooooh! go Terrence!" cheer nina Juliana pati Krystal na napansin naman ni Terrence kaya ngumiti ito tumingin siya sa gawi ko ngayon.

"Uy cheer mo naman siya" sabi sa akin ni Krystal

Di ako sumigaw pero binigyan ko lang siya ng thumbs up at ngiti. Okay na siguro yon.

"I'm Kent the drummer" ang tangkad ni Kent at ang pogi sobra!

"Ang pogi niya! akin yan ah" rinig kong sabi ni Krystal kaya natawa kaming dalawa ni Juliana

"Yuan the keyboardist"
ang amo ng mukha niya parang walang emosyon pero yung ngiti niya pamatay!

"Ang pogi din! Uy guys akin yan asawa ko din yan" sabi ulit ni Krystal kaya natawa na naman ako

"Claude the guitarist" ang pogi din ni Claude para siyang may lahing amerikano!

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon