CHAPTER16: Endearment

268 12 0
                                    

Terrence POV

"Ahm. Terrence wait lang cr lang kami" sabi sa akin ni Yuri

"Okay" nginitian ko siya at dali dali na niyang hinila ang kaniyang kaibigan paalis

"Aray ko naman Yuri sandali lang"

Alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi parin komportable sa akin si Yuri dahil na rin siguro na nagkagusto ako sa kaniya dati. Pero ginagawa ko ito para maprotektahan siya kay Lucas. Di niya lubos na kilala si Lucas, isa siyang masamang tao na maraming lihim.

I'm a member of Black Shadow at may misyon ako. Kailangan kong mapalapit kay Yuri dahil iyon ang utos sa akin ng kuya niya, ang boss ko. Isa sa dahilan kung bakit tinanggap ko ang misyon na ito ay sa kadahilanang gusto ko parin siya at gagawin ko lahat para malayo lang siya kay Lucas.

Makalipas ang ilang minuto dumating na din sila.

"Pasensiya na kung ngayon lang kami" sabi ni Krystal at umupo

"It's okay. Tsaka pala Ano pala ang order niyo? Di muna ako nag-order di ko kasi alam yung gusto niyo"

"Carbonara nalang sa akin" sagot sa akin ni Krystal

Tumingin ako kay Yuri na kasalukuyan nagfo-phone.

"Same" simpleng sagot niya

Tinawag ko ang waitress at sinabi ko ang order namin. Nang umalis na ang waiter tumingin ako kay Yuri at Krystal na nag-uusap. 

"Hi guys!" napalingon ako sa bagong dating na babae. Maganda siya pero mas maganda parin si Yuri.

"Juliana!" bati sa kaniya nina Krystal

"Mind if I join?"

"Sure! dito ka sa tabi ko" sabi sa kaniya ni Krystal habang tinutulak palayo si Yuri

"Dito nalang ako" at yun na nga napatingin na siya sa puwesto ko

"Oh. May kasama pala kayo"

"Kaya dito ka nalang muna sa tabi ko" sabi ulit ni Krystal at tinapik ulit si Yuri

"Di okay lang. Dito nalang ako sa tabi niya"

"Di dito ka nalang namiss kita. Diba okay lang naman sa'yo Yuri?" napatingin ako kay Yuri na ang sama ng tingin kay Krystal pero napalitan din yon ng ngiti ng humarap ito kay Juliana. Tumayo siya at lumipat sa tabi ko

Dumating na yung order namin buti nalang sobra-sobra yung inorder ko kaya lahat nakakain.

"Juliana nga pala" sabi nung kasama nina Krystal

"Terrence" sagot ko naman

"Parang familiar ka sa akin" sabi nito na para bang sinusuri ang mukha ko

"Aaah ikaw yung vocalist nung isang banda no?!" masiglang sabi niya ng makilala ako

Napangiti ako kilala niya pala ko  "I am. Nice meeting you"

Bukod sa pagiging gangster may banda din ako.

Pumalakpak siya ng malaman ako nga. "Alam mo ba gustong-gusto ka nung kaibigan ko. Nakaka-inlove daw yung boses mo, wich is true naman. Nako, sigurado lang kikiligin yon pag nakita ka non" mahabang sabi niya

"Sana makilala ko siya" I said

"She surely be happy. Kaso nasa ibang lugar siya ngayon"

"Guys grabe gets namin kayo" napatingin ako kay Krystal na nakatingin sa amin. Ngumiti naman sa kaniya si Juliana at sinagot ito

"May banda kasi tong si Terrence. Napanood ko siya kasama yung kaibigan ko, kaya parang familiar siya sa akin"

Mukhang nalinawan naman si Krystal. Tumingin ako kay Yuri na
tahimik  na kumakain lang.

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon