CHAPTER13: Lunch

402 19 2
                                    

Yuri's POV

Kala ko sa una isang tahimik, badboy, pero cool naman itong si Lucas ngunit kabaligtaran pala. Ang daldal niya at ang kulit. Pero atleast di parin nawawala yung aura niya na naka-kapag-patakot sa mga tao lalo na yung mga tingin niya.

At sa ngayon naman kasalukuyan akong nago-order ng pagkain.

"Ah ma'am kulang papo kayo ng seventy pesos"

"What? five hundred pesos na yung binigay ko sayo"

"Tsk" humablot pa ako ng isang daan sa wallet ko at binigay iyon sa babae

"Ito na po yung sukli"

Bwisit naman kasi tong Lucas na ito ang daming order! Dalawang beef burger, dalawang extra large barbeque fries, at isang sundae. Sino ba naman di mauubusan ng pera don?

"Oh ito na yung order mo" bwisit na sabi ko

"Sungit"

"Sino wari di magsu-sungit kung naubusan ka nang pera?" sarkastiko kong sinabi sa kaniya.

"Mayaman ka naman"

Di ko nalang siya pinansin at nagsimula ng kumain. Nakakaasar naman kasi yung nangyari kanina, yan tuloy diko kasama sina Krystal.

Flashback

"Class dismiss" sabi ng guro namin habang bitbit ang kaniyang mga libro at umalis na

"Oy Lucas dinismiss na tayo" sigaw ni Tyler

"Di ako sasabay"

"Bakit naman?" tanong sa kaniya ni Jake habang ngumunguya ng bubble gum

"Kailangan ba lahat sabihin ko sa inyo?" inis na tanong nito

"Tara na" simpleng sagot naman ni Blue

Aalis na dapat sila ngunit lumingon si Tyler

"Nga pala sa labas kami magla-lunch ngayon"

Tumango lang si Lucas sa kaniya.

"Ge goodbye!" sabay alis nito "Hoy mga unggok wait lang!" rinig kong sigaw ni Tyler, kaya di ko maiwasan matawa.

"Tara na" sabi sa akin ni Lucas

"Wait lang sasabihin ko muna kay Krystal" may kausap kasi ngayon si Krystal sa phone

"Aish!" asar na tugon nito

Di rin naman nagtagal at ibinaba na nito ang kaniyang phone

"Natapos din" rinig kong bulong niya.

"Sorry di ako makakasabay sa inyo sa lunch"

"Bakit nam-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong hilain palayo ni Lucas sa kaniya. Sumilay ang nakakalokong ngiti ni Krystal ng makita ang eksena "Enjoy!" sigaw nito

Aba't kala ko ba ayaw niya sa mokong na to?!

"Bakit ka ba nanghihila?" inis na hinablot ko sa kaniya ang kamay ko

"Kita naman kausap yung tao tapos manghihila ka lang basta basta? Bastusan lang ang trip!" dagdag ko pa

"Di nga daw sasabay diba? Kaya hinila na kita hahaba lang usapan niyo"

"Pakialam mo ba?!" pinikit niya ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim tila nagtitimpi

"I'm the heiress of this university here. So, you better follow me"

"So now you're threatening me?!" kapal ng mukha nitong ipangalandakan na siya yung may-ari ng school "Duh wala akong pakielam kung ikaw man ang may-ari! Nanghiram ka nga lang ng ballpen kanina diba!"

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon