Yuri's POV
I'm planning to go out together with my friends.
Matagal na rin kasi kami di nakakalabas at balak namin ngayon pumunta sa isang amusement park, gusto muna namin magpakasaya at mag-feeling bata ulit.
Isang linggo na rin ang nakalipas nang magsimulang manligaw sa akin si Lucas at mas lalong naging sweet ito at protective. Ang corny nga niya minsan eh.
"Huwaaaaaa!!"
"Mommy dun tayo!!"
"Hahaha!"
Ingay galing sa sigaw at mga batang tumatawa ang bumungad sa amin dito sa amusement park.
"Wow" ilang taon na rin ang nakalipas simula ng magpunta ako dito
"Iiihhh! I'm so excited!!!" sabi ni Juliana
"Tara na!" yaya ko sa kanila
"Sa space shuttle tayo o kaya sa vikings!" masiglang sabi ni Krystal
Para kaming mga bata.
"Hey guys wait!"
Napalingon kami kung saan galing ang boses na iyon at sa di malayuan nakita namin sina. Lucas?
Kala ko ba araw naming magka-kaibigan to?
Napatingin kami ni Juliana kay Krystal na nagkakamot ng ulo.
"Ah..ehh... sorry guys, di ko sinasadya mabanggit kay Blue"
"Kala ko ba di nagsasalita 'yon?" pabirong sabi ni Juliana
Di namin napansin na nakalapit na sila.
"Triple date ba ito?" masayang sabi ni Tyler at pumunta kay Juliana
"Oy ako? dapat quadriple date" nakangusong sabi ni Jake
"San ba date mo?" mapang-asar na sabi ni Tyler na nagdulot na nang bangayan
"Hello darling!" masiglang sabi ni Lucas na sinuklian ko ng ngiti.
Napagdesisyunan namin mag-roller coaster
Bawat row may tatlong chair nasa gitna ako at nasa tabi ko sina Krystal. Nasa likod namin sina Lucas. Si Jake bigla na lang nawala
Nagsimula nang umandar ito at lahat kami ay napasigaw nang bumagsak ito sa mataas na parte may sinigaw pa nga si Tyler dahilan para kiligin si Juliana pati si Blue na tahimik napasigaw din ng cheesy word kay Krystal. Hinintay kong may sabihin si Lucas pero wala eh...
Medyo na-dissapoint ako don.
Pagkababa namin medyo naibsan yung pagka-dissapoint ko ng may dalang stuff toy si Jake na kinatawa namin lahat.
"May date na'ko" parang batang sabi nito habang pinapakita ang napanalunan daw niyang laruan. Ang cute talaga ng ngiti niya! rectangle
Kukunin sana to ni Tyler kaso agad itong iniwas ni Jake
"What?" he asked
"Posessive boyfriend ako. No one dare to touch my girl"
Hahaha! Lol!
"Gago! Alien ba kamo" iling-iling na sabi nito
Yung alien kasi sa toy story yung bitbit niyang laruan!
"San tayo niyan?" tanong ni Juliana
Halos lahat na nang rides dito nasakyan na namin at dahil na rin sa pagod napagdesisyunan muna naming kumain at magpahinga
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My Heart
Teen FictionMeet Yuri The girl who has almost everything in life. Beauty, brain, talent, and money, yet she's a ill-tempered and a hardheaded woman she will do anything what she thinks right. But despite of her attitude, she's a compassionate and a kind woman i...