Yuri's POVPagkauwi ko ng bahay may na-receive agad kong text galing kay Lucas.
From: Lucas
Nasa bahay kana?
Binasa ko muna yun ng ilan beses bago siya ma-text.
Natataranta ako!
To: Lucas
Nasa bahay nako:)
Pagka-sent nung message tumalon ako sa kama at tinakpan ko ng unan ang aking mukha.
"Ahhhhh! anong gagawin ko?!" sigaw ko
Tumayo ako sa kama at kinuha ang phone ko. Nag-search ako sa internet kung ano ang magandang regalo sa isang lalaki ngunit ang lahat ng iyon ay masyado ng common. Tulad ng panyo, pabango, relo at iba pa. Pero may isang sulat ang napukaw ng atensiyon ko.
'The best gift you can give to a man is your virginity'
Punyeta! Tang asawa ko siya?!
Huwaaa!
Sa gitna ng pag-iisip ko kung ano ang reregalo ko kay Lucas pumasok naman si Tita Cathy na may dala-dalang baso ng gatas.
"Oh ba't di ka pa tulog?" tanong nito
Bumusangot ako at kinuha yung gatas na ibinigay niya sa akin.
"Paano ba naman di ko po alam na birthday ngayon ng kaibigan ko" sabi ko
Tumawa ito "Kaibigan nga lang ba?"
Oo nga kaibigan ko nga lang ba siya?
"Iiih tita naman eh pano ba naman di ko kasi siya na-greet tas wala pa po akong gifts" busangot na sabi ko parin sa kaniya
Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang isa sa mga unan ko at kinabit niya yon sa lap nito.
"Special na tao yan no? lalaki ba?"
Tumango ako
"Ala nagdadalaga na" natatawang banggit nito
"Tita naman eh! nang-aasar pa"
"O sige kaano-ano mo ba siya?"
"Manliligaw ko po...atsaka crush" nahihiyang pag-amin ko
"Aahh si Lucas ba yung tinutukoy mo? Yung kapangalan ng anak ko?"
Tumango ako.
"Ano ba yung magandang gift para sa mga lalaki? Wala na kasi si daddy kaya wala akong mapag-tanungan" nalulungkot na sabi ko nang maalala na naman ang masasayang araw kasama ang mga magulang ko.
Napansin ni tita Cathy ang kalungkutan ko kaya hinagod ako nito sa likod.
"Haay...kahit wala na ang mga magulang mo para may pagsabihan ka nang nararamdaman mo nandito pa naman ako" sabi nito na kina-ngiti ko naman
"Thank you po" at niyakap ako nito
"Sino ba kasi si Lucas na yan? gusto ko na siyang makilala magkapangalan pa naman sila ng anak ko"
"Makikilala niyo din po siya"
"Buti nalang nandiyan ka Yuri kahit konti naibsan din yung pangungulila ko. Pero parang anak na rin talaga kita eh"
Di ko alam pero may feeling akong konektado sila ni tita Cathy. What if si Lucas yung anak niya? Lalo't pa ang dami ng nangyari na circumstances na may chance na mag-ina talaga sila.
Masabi ko na nga to kay Lucas. Kasi kung totoo man ito maaring mababasag na ang pangungulilang nararamdaman nila bawat isa sa kanila.
Ayoko muna ipaalam kay tita Cathy ito baka kasi umasa lang ito at masaktan sa huli kapag hindi naman pala talaga niya anak ito.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My Heart
Teen FictionMeet Yuri The girl who has almost everything in life. Beauty, brain, talent, and money, yet she's a ill-tempered and a hardheaded woman she will do anything what she thinks right. But despite of her attitude, she's a compassionate and a kind woman i...