CHAPTER8: Starting to know

521 20 0
                                    

Lucas POV

Pauwi na ako ngayon sa amin galing sa bar. After we waste our money to those shit girls dumiretso kami sa bar nina Blue.

"Ba't ngayon ka lang umuwi?" bungad ng aking magaling ama.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig.

"Why do you care?"

"Alam mo ba kung anong oras na?" mahinhin pero alam ko naiinis na siya sa akin

Tiningnan ko ang aking relo at nalaman kong 1:30 na ng umaga.

"1:30" I said making him more annoyed

"Nandiyan na ba siya?" rinig kong tanong ni Amanda habang pababa siya galing hagdan.

Nakita kong tumayo ang tatay ko at ginabayan niya siya sa pagbaba.

Ni minsan hindi niya ginawa yan sa mama ko.

"Kumain ka naba?" tanong niya sa akin na akala mo'y nag-aalala talaga.

Di ko man siya pinansin at pinagpatuloy ko parin ang pagkalikot sa phone ko.

"Kinakausap ka nang nanay mo" inis na pagkakasabi nito sa akin

"Nanay?" sarkastiko kong tanong

Nakita kong susugurin na dapat ako ng tatay ko ngunit pinigilan siya ni Amanda.

"Honey! Tama na" pagpipigil sa kaniya ni Amanda

"Tandaan mo Lucas! Respetuhin mo siya!" sabi niya sa akin habang nakaduro ang hintuturo

"Respeto?" napangisi ako nang banggitin ko ang  salita na yon

"Karespe-respeto ba siya?" napatawa ako sa mga nasabi ko "Sinira niya ang pamilya natin"

Nagpupumiglas ang tatay ko sa pagkakayakap kay Amanda.

Alam kong galit na siya sa akin at gustong-gusto na niya akong suntukin. Simula nang iniwan niya ang mama ko nawala na ang respeto ko sa kaniya.

"Malandi...isang malanding babae"

Nakita kong nanghina si Amanda matapos kong banggitin ang mga salita na yon kaya nagkaroon nang tiyansa ang tatay ko para suntukin ako.

Isang suntok. Na naging dahilan nang pagkatumba ko. Tumayo ako sa pagkakatumba ko.

As I get up I laughed so hard. I wipe the blood at the corner of my lips using the back of my hand and faced him.

"Grabe lakas non ah!" napailing nalang ako

Humarap ako sa magaling kong ama na sa ngayon ay pinapakalma ng kabit niya.

"You two are so sweet" matabang na pagkakasabi ko. Humarap sila sa akin.

"Bastos ka talagang bata ka!"

"Honey ta-ama na..." sa ngayon ay lumuluha na

"Walang modo tong bata na to!"

"Totoo naman ang sinasabi ko ah! Isang malandi! Kabit! Family wre-"

Isang suntok na naman ang kumawala sa tatay ko. Tinalikuran ko nalang sila at umakyat na pataas.

"Huwag kang papakita! Pesteng bata ka!"

"Fuck fuck fuck" paulit-ulit na sabi ko ng makapasok ako sa kuwarto ko

Yuri's POV

Ilan araw na rin ang lumipas since nangyari yung sa 'slave' thing na yon. Masaya naman ang nangyari non kasi ang dami namin libreng damit nina Krystal nagtaka pa nga si mommy kung saan ko galing lahat ng yon sabi ko nilibre lang ni Krstal sa akin lahat nang yon.

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon