E'FIGHT (chap 27)

238 13 5
                                    

TAHANAN NG LAHING SEUS ----->

AHYEN's POINT OF VIEW

Andito ako ngayon sa BUS, magkakaron kasi ng labanan. Ewan ko ba ang gulo, sabi kasi ang E'FIGHT ay para sa mga nakakuha na ng RED BELT at SILVER BELT ee ako? wala kahit na anong belt maliban na lang sa pantalon kong may belt...

Ang red belt ay binibigay sa mga nanalo na ng tatlong beses, samantalang ang silver belt ay para sa mga lima or higit pang panalo. Ako natalo na ng isang fight at nanalo lang ako sa di ko malamang dahilan nung inaya ako ni trixie ng laban "chapter 20" or rematch. Ayun nanalo ako ee none bearing yun or I must say hindi counted  yun para sa points....

NEVERMINDDDDDDD!!!!!

kinuha ko na lang yung book na nakuha ko sa library." ANG LIBRO NG CALIPTO" binalutan ko ito ng panglovestory style para hindi mahalata, nakaupo ako sa may dulong dulo at nakatutok sakin ang aircon ng bus. Buti na lang wala pa masyadong tao at sinabi sakin ng driver na pumasok na ako sa loob para hindi naman ako lamukin sa labas, isang damit lang dala ko at pamunas na nakalagay sa shoulder bag ko. 

ANG CALIPTO PANAHON NG PANANAKOP

  Ang SEUS ang kauna-unahang lahi ng mga bampira sa taong 1431. Ang angkan ng SEUS ay binubuo lamang ng  sampung katao sa loob ng kanilang kaharian. Ang lakas nila ay isang pambihira dahil habang lumilipas ang panahon ang lakas nila ay nadaragdagan. Kaya nilang kumuha ng lakas ng iba matapos itong patayin. Hindi naglaon may isang wicthvampire ang sumugod sa kanilang kaharian, sinabi nitong magkakaroon ng isang labanan kung saan buburahin ang lahat ng lahi ng SEUS. ang witchvampire na ito ay may ingget at galit sa Reyna dahil iniibig niya ang Haring Phoenix. Si Haring Phoenix ay nagmula sa Transylvania sa Romana. Taglay niya ang lakas ng lobo at dugong bampira dahil sa Amang si Coltu ang dating hari ng Wallachia sa Romana. Maraming nagsabing masama ang lahi ng mga SEUS kaya't nagsilbing daan ito upang magkaroon ng labanan. Dumating sa Calipto ang mga SILVER BLOOD at GOLD VAMPIRE na namumuno sa hilagang parte ng Calipto. Nalaman nila ang di kanais nais na balita na magsisilbing dahilan upang magkaroon ng Gera sa pagitan nila. Napatay si Haring..........

Teka?

Teka bat kulang ang pahina ng kasaysayan? Hoy libro magsalita ka habang wala pa akong kasama dito.. ayss naman nabitin ako, pati kasi ibang pahina ay wala na rin anoto lokohan lang?

"Ang isang bagay na nawala wag mong ipilit hanapin dahil maaaring may matindi itong dahilan kaya nawala na siya"

Humm? hindi ko naramdam ang aura nya? ganun ba ako ka absent minded habang nagbabasa? tssssss... sino ba toh?

"Ah ganun ba, nabitin kasi ako sa lovestory ni beauty at beast"

"may mga bagay talagang mahirap aminin, sigee magtutulog na ako"

"ah"  napaka misteryoso talaga nitong Terence na ito, minsan iniisip ko kung ano ba dahilan bat nagustuhan ko siya? tssssss...  napaka cold, napaka sungit, napaka,gwapo sana pero napaka boring.. kahapon lang nagkasabay kami bumili ng >////< ayssssss NEVERMIND..

_______________

lahat ng mga vampire students na pumasa sa laban ay andito na, nakikita ko na ang talandeng si Prince na katabe si trixie, nakakapagtaka naman di ba si Terence ang syota nya? tsssssss........ nga naman, atlis kung hindi sila ibigsabihin para sakin si terence (^///////^)  hihihihihi, I'm so happy for that...

"siguro naman tapos kana kiligin dyan Ahyen?"

"HOY NIKKA KANINA KA PA BA DYAN AHH?"

"YEAH ^__^ nakakatuwa ka kasi pagkinikilig ka ahahahahaha sino ba yang iniisip mo ahhh?"

">???> wala, maupo ka na nga at aandar na yung bus"

"di bale malalaman ko naman yan ahahahahaha,"

"tigilan mo nga ako nikka nako!"

"ahahahahahaha pikon"

sumilip na lang ako sa bintana, nakikita ko na ang araw sa banda dito. MUkhang masaya ang araw na ito dahil namumula siya at nakangiting bumabati sakin. (>/////<) parang iba ata yun? ayssss..........

_______________

THE BATTLE

"so everyone here already?"

"SER yes SER!!"

"thats good! , so listen everyone for the mechanics, lahat kayo ay inatasan para maglaban pero kailangan marating nyo muna ang TEPPES STADIUM at doon kayo maglalaban laban, kailangan maagaw nyo sa kalaban ang kanilang kwintas na ibibigay ngayon, simbolo ito na nanalo kayo, MALIWANAG BA?"

"SER yes SER"

"SO FORMATION NA KAYO NG CIRCLE AT KUNG SAAN SPOT NYO GUSTO, IN A COUNT OF THREE..

the E'FIGHT will begin at..

two

three

__________

BAgo ako tumakbo pinakiramdaman ko muna lahat, pumikit ako at malalim na huminga. NAramdaman ko na ang bigat na ito dati, hindi ko lang matanda kung saan, nag iinit ang kaliwa kong kamay samantalang ang kanan ay nanlalamig. Hindi ko pa ganon kakontrolado ang lakas ko pero dahil kay anino alam kong ligtas ako. Ang tanging iisipin ko lang ay kung paano ako makakarating sa STADIUM ng mabilis, mas maiging magconcentrate ako..

concentrate..

concentrate....

"UMALIS KA NA IHA BAKA MAHULI KA SIGE KA"

sinira nya ang concentration ko pakingteyp yan ~___~

kaya heto naglalakad na ako, tinatamad ako makipag unahan, gusto ko makilala ang gubat pakiramdam ko nakating na ako dito at dama ko ang kakaibang lakas ngayon..

A/n

so bukas na lang ulit ang continuation ng part na ito, i hope you enjoy reading this.. ^__^

mahjah<--------

Vampire series (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon