Ares P.O.V.
Siguro nga tama si Vin kahit nakakaloko man ang pagtutudyo niya kanina ngayon alam ko na hindi ko lang talaga maamin ang totoong nararamdaman ko sa kanya
Ewan ko siguro kasi dati tinuring ko siyang kaaway at siya ang sinisisi ko sa pagkaubos ng lahi namin kung bakit nalayo kami ng kapatid kong si Hera sa ama namin
kasalukuyan ako nagiisip at nagmumuni muni sa teresa ng kwarto ko habang nakatingin sa ilalim ng maliwang na buwan sumagi ang bagay na hindi ako natatahimik nang sabihin sakin ni Vin iyon alam kong hindi siya magbabanggit ng ganoong bagay na gawagawa lang kahit man pabiro yun alam ko sa sarili kong may laman ang bawat sinasabi niya
Sabi ko nga kilala niya ako higit pa sa sarili ko
Yes I admit it I Love Ahyen I fall for her
Shit. hindi ko alam ang gagawin ko hanggat hindi ko pa nasasagawa ang plano kong pagpatay sa kanya tuluyan nakong mahuhulog sa kanya
Hindi ko alam kung saan nagsimula at anong paraan kung paano ko siya nagustuhan
siguro sa panahon na lihim kong binabantayan ang bawat galaw niya napansin kong kakaiba siya sa lahat ng bampira hindi dahil sa kakayahan at lakas niyang taglay kundi dahil sa pagkatao niya nakita at nasaksihan ko yun simula ng samahan ko siya ng palihim kabisadong kabisado ko na ang bawat galaw at ang nararamdaman niya kung paano siya naging masaya malungkot magalit mainis maluha at pati sa bawat araw araw na kasakasama niya rin ang kanyang anino
kaya hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang plano ko na patayin siya sapagkat ako mismo nahihirapan kung ano ang susundin ko
subalit ano ang gagawin ko malaking gulo ito hindi lamang sa mga natitira pa naming mga lahi kundi sa pamilya ko na unti unti ng nabubuo sa pagbabalik ng aking ama at yun lang ang nakikita kong solusyon para manumbalik ang lakas ng aming lahi at matupad ko ang kumpletong pamilya na minsan ng nabuwag nang mahabang taon
Sigurado kapag nalaman ito ni Hera siya na ang papatay kay Ahyen gayundin ang aking ama na bumalik upang pangunahan ang napipintong laban mula sa lahi namin laban sa lahi ng mga bampira nila Ahyen
Sigh. Naguguluhan na ako at litong lito
siya ang unang babaeng nakapagpatibok sa patay kong puso hndi man literal na pumipintig ito pero masasabi kong si Ahyen lang ang may kakayanan na baliwin ako ng ganito
Nakakabaliw ang pag-ibig hindi ko alam kung ano ang susundin ko ang isinisigaw nito o ang nag uutos sa akin na gawin ang isang bagay na alam kong ikamamatay ko pagnagkataon
alin nga ba ang susundin ko ang isip o ang damdamin
ang tawag ng tungkulin o ang tawag ng puso
BINABASA MO ANG
Vampire series (on-going)
VampireAhyen is a simple girl.. wala na siyang hihilingin pa dahil masaya na siya sa buhay niya.. but one day.. mawawala lahat ng ito matapos lumabas ang tunay niyang pagkatao.. ^_^ sino ba talaga si AHYEN??? siya ba ang BIDA o ang KONTRABIDA... TARANABA...