UNEXPECTED ( chap 42)

182 9 1
                                    

AHYEN's POINT OF VIEW

SHOCKS!!!! ngalay na ngalay na ako kakapraktis hindi pa ba pagod tong nag tetrain sakin amf feeling ko kusang susuko ang katawan ko sa pagod.. dalawa't kalahating oras na akong nakatayo sa makitid na kahoy na toh! at may hawak na dalawang baldeng tubig sa magkabilang kamay ko... langyang training toh PATAYAN!!!!!..... hala narinig ata sigaw ko? teka sa isip lang ako sumigaw ahh bat papalapit dito si manong trainor bwahahahahaa ... haalaa sana wag nilang dagdagan pa ang bigat ng dala kong basyo ng tubig pawis na pawis na ako ee...  nyaaay! 0_o  kailangan pang yumuko ano ba ako dito bossss?

"Ipagpaumanhin nyo ang aking pag abala sa ginagawa nyo, ngunit nais kong ibalita ang pagdating ni Binibining Aguilar para makausap kayo"  yumuko pa ito at iniwan akong nakababad sa arawan tapos biglang sulpot ni AGUILAR... tawa ng tawa ang bruha!

"so totoo palang pinahihirapan ka sa paraan na yan ahahahahahaa, pero ganyan din ang turo nila sakin kaya maganda yan maniwala ka.. nga pala andito ako para ibalita sayong may nahuli akong babaeng naghahanap sayo nakita ko kasing kinuha nya ang isa sa mga gamit mo sa locker mo kaya't ayon tinanong ko sya kung ano kailangan nya, naging pula lang mata nya matapos ko syang tanungin at nakita kong nag ilaw rin ang leeg nya, nakita kong tulad ko may tattoo rin syang kakaiba tulad ng kay alexies,"

napaisip na naman ako sa sinabi nya, kung gayon hinahanap na ako ng mga kalaban ko delekado talaga ako ngayon sa NARSIA hindi ko man nagawang makapag paalaman kay Nikka hays.. pero ayaw ko naman syang madamay sa problema ko kaya't mas mainam na wala na lang syang alam dahil iyon ang mas nakakabuti. Ang pinagtataka ko lang bakit ang dami atang gustong pumatay sakin. Bukas na pala ang kaarawan ko ngunit wala pa akong nakikitang pagbabago sa katawan ko. Kung sa bagay bukas yon mangyayari.

"ganun ba Maam, siguro nakatunog na ang kalaban natin na nawawala ako. Mas mabuting ikaw din ay mag ingat lalo na sa panahon ngayon. Bukas na ang kaarawan ko, ang paglabas ng pulang buwan mas mainam na magpunta ka dito para suportahan ang mga mangyayari, hindi ako sigurado sa kung ano ang magagawa ko lalo na unang beses ko itong mararanasan" sa totoo lang natatakot ako pero dahil alam kong may magbabantay sakin mas nakakasigurado ako sa mangyayare. Sana hindi mo ako pababayaan anino, kailangan kita bukas.

Vampire series (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon