Eighteen

37 9 11
                                    

Hayy salamat at nakababa narin.

Lumabas ako ng hospital para pumunta sa isang karinderya.

Um-order kaagad ako ng isang kanin, dalawang fried chicken (siyempre gutom na din ako😂😂✌), tsaka dalawang purified water.

"Magkano po?" Tanong ko sa tindera

"Bale 10 plus 50 plus 20... Umm ₱80.00 lang ineng" sagot sa akin ng matandang tindera

Nang kapain ko na ang bulsa ko.. "Umaygas. Yung wallet ko, nasaan?!" Tarantang tanong ko sa sarili ko..

"Hayy naku naku ineng. Di mo ako madadala diyan. Isa ka sa mga budol budol gang ano?" Seryosong tanong sa akin ng matandang tindera.

"Hindi ho. Grabe naman po kayo mang judge sa akin. Sa ganda kong toh, ale? Sa ganda kong ito? Mukha ba akong budol budol sa inyo?" Pagtataray ko..

"Hayy naku. Wag mo kong dinadaan sa mga ganyan. Kung hindi ka magbabayad, tatawag ako ng pulis." Pagtataray niya rin sa akin.

"Ay juskqo. Wag po, ale. Wag po!" Pagmamakaawa ko sa matanda.

"Kung ayaw mong tumawag ako ng pulis, magbayad ka!" Bulyaw sa akin ng matanda.

Juskqo naman Lord. Bakit nagsabay sabay pa ang mga kamalasan ko ngayon? Why oh why Lord?

Una sa hagdan. Ngayon naman sa matandang toh. 😭😭

"Ito na po ang bayad." Pagsingit ng isang lalaki.

Matapos niyang ibigay ang bayad sa matanda, kinuha niya kaagad yung pagkain at ibinigay ito sa akin.

Hindi ko siya makilala dahil naka sumbrero siya.

"Sino ka?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Di mo na ako kilala agad?" Pagbibiro niya sa akin sabay tanggal ng kaniyang cap.

"Uyy. George. Ikaw pala!!" Sabi ko sa kaniya sabay yakap.

"Buti nalang dumating ka.. Akala ko makukulong ako ng dahil sa fried chicken.." Dagdag ko

Nang makaramdam ako ng hiya. Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya.

"Ah. Eh. Sorry. Nadala lang ako.😁" paghingi ko ng tawad sa kaniya na may halong hiya.

"Okay lang...." Sabi niya sa akin "Mas gusto ko pa ngang tumagal eh.." Bulong niya sa akin.

"Huh? Ano ulit yun George?" Tanong ko sa kaniya na medyo naguguluhan..

"Wala.. Sabi ko okay lang yun" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Umaygad. Bakit niya hinawakan kamay ko?

"Wait lang. Kailangan ko munang ibigay ito sa pasyente ko.." Pagpigil ko sa kaniya..

"Oh sige. Samahan na kita." Pagkatapos niyang sabihin yun dumiretso na kami papuntang hagdan.

"Anong floor ba tayo Rose?" Tanong niya sa akin.

"8th floor pa.." Parang nagbago na tuloy ang isip ko kung aakyat pa ako..

Susme susme susme. Nakakapagod pala talaga..

"Pasan ka sakin." Pag offer niya sa akin..

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Alam kong pagod ka na... Wag ka nang mahiya" nakangiting sabi niya sa akin.

Uwemji. Napaka gentle naman niya...😍

"Sige na nga.." Pagkatapos kong sabihin yun, pumasan kaagad ako sa kaniya.

Umaygas. Hhhaaaangg bangooo niyaa

Ang sarap niya tuloy singhutin..

Rose. Umayos ka Rose. Kahiya ka😂😂

Habang pasan pasan niya ako, di ko maiwasang tumingin sa kaniya.

Ngayon ko lang napansin. Ang gwapo mo pala.. Napaka gwapo.

"Nai-inlove ka na ba sakin?" Medyo natatawang sabi niya

"Huh? Kapal mo noh? Assuming ka George." Mayghad. Napansin niya pala yun..

"Ano ka ba Rose, okay lang kung ma-inlove ka sakin." Sabi niya sakin.

"Hindi nga.. Ang kulit mooo.." Naiiritang sabi ko sa kaniya.

"Okay. Sabi mo eh.." Natatawang sabi niya.

"Nandito na tayo.." Pagkatapos niyang sabihin yun, dahan dahan niya akong ibinaba..

Dumiretso kaagad kami sa ward ng pedia para puntahan si Miguel..

Pagdating namin sa ward ng pedia, tulog na si Miguel.. Umupo ako sa tabi niya para gisingin siya..

"Miguel.. Miguel.. Miguel.." Paggising ko sa kaniya..

"Ohh.. Ateng maganda ikaw pala.." Sagot niya sakin na medyo inaantok pa..

"Please don't call me ateng maganda.. Just call me ate Rose, okay? Alam kong maganda ako pero wag nalang natin ipangalandakan na maganda ako😂.. Okay baby?" Mahinahong sabi ko sa kaniya.

Pagkatapos kong sabihin yun, narinig kong tumatawa ng mahina si George..

"Wag ka nang kumontra George..." Mahinang sabi ko kay George habang nakaharap ako kay Miguel..

Hindi parin tumitigil sa George sa kakatawa kaya binalak ko siyang kurutin sa tiyan para tumigil..

"O. M. G." Mahinang sabi ko..

Mayghad. Maling parte ang nakurot ko..

Napansin kong natahimik si George sa pagtawa dahil sa ginawa ko..

Inalis ko kaagad ang kamay ko sa alam-niyo-na-yun..

"Sorry sorry sorry.. Di ko sinasadya.." Paghingi ko ng tawad kay George..

"Hahahaha😂😂😂 Nakurot yung bird ni kuya😂" malakas na tawa ni Miguel..

Dahil sa pagtawa ni Miguel, di ko rin maiwasang matawa..😂

"S-s-sorry talaga😂" paghingi ko ng tawad sa kaniya..

Mayghad. Di ko talaga maiwasang matawa..

"Okay lang yun. Di mo naman sinasadya.." Habang sinasabi niya yun, pansin ko rin na natatawa na siya..

"Masakit ba?.. Sorry talaga ah..." Paghingi ko ulit ng tawad sa kaniya..

*Ring ring ring..* pag ring ng cellphone ko..

Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag..

"Si Paul.." Mahinang sabi ko..

Author's note:

Rose. Rose. Rose. Sa lahat ba naman ng pwede mong kurutin. Bakit yung bird pa?😂😂😂

Bukas or monday nalang po yung update!!

Keep on Voting guys!

READ.VOTE.COMMENT.

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon