Author's note:
Mga bes!✋✋😂 ito na po yung update. Kinukulit po kasi ako ng iba kong readers eh. Pasensiya po sa 123456789 days na pag aantay sa update na 'to. Tinatamad lang po talaga ako😂😂✌✌
-----------------------------------------------
Matapos kong icheck si Anne at Cristina, chineck ko naman si Miguel.
May sakit si Miguel sa puso.
Kawawang bata. Bakas sa kaniyang mga mata ang panghihina.
Nung huling punta ko pa sa kaniya, medyo masigla pa siya. Ano kayang nangyari sa batang 'toh?
Agad ko siyang nilapitan para kamustahin. "Hey baby, okay ka lang ba? Bakit mukha kang malungkot? May problema ba?"
Hindi aiya tumugon sa aking tanong. Kundi tinitigan niya lang ako sabay yakap nang mahigpit sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang paghagulgol niya.
"Oh. Bakit ka naman umiiyak?" Mahinahong tanong ko sa kaniya..
"Si mommy po kasi, kagabi pa hindi bumabalik." Sabi niya sa akin.
"Baka naman busy lang kaya natagalan" pagpapakalma ko sa kaniya.
"Pwede niyo po ba siyang tawagan? Eto po oh.." Sabay abot sakin ng cellphone
Agad ko naman itong kinuha para hanapin yung contact ng mommy niya.
Nang buksan ko ang cellphone niya, pinagmasdan ko muna ang wallpaper niya.
Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang babaeng kasama niya. Para bang nakita ko na ito..
"Mommy mo ba ito?" Mabilis na tanong ko sa kaniya.
"Opo" sagot niya sa akin.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Sarah Villanueva po" sagot niya sa akin.
Nang muli kong tingnan ang wallpaper niya. Nakilala ko na ang kasama niyanh babae.
Ito pala yung babaeng mataray na nakabangga ko sa mall.
Imbis na mag init muli ang dugo ko, hinanap ko nalang ang contact number ng mommy niya.
Hindi naman ako nahirapan sa paghanap nito. Onti lang kasi yung mga naka save dito.
Matapos ko itong mahanap, agad ko itong tinawagan.
Nagri-ring yung phone niya pero hindi ito sinasagot.
Kinontak kong muli ito, pero pinapatay niya. Tila ba ayaw niya itong sagutin.
Nang muli ko itong kontakin, sinagot niya naman kaagad ito.
Laking gulat ko nang isang ungol ng babae at lalaki ang aking narinig..
"O. M. G." Mahinang sabi ko sa sarili ko..
Dahil sa aking mga narinig, agad ko itong ibinaba.
"Umaygas. Wat is dat? Nakakaloka." Sabi ko sa sarili ko "Umagang umaga, ungol agad ang naririnig ko." Pagdagdag ko.
"Ateng maganda.." Pagtawag sa akin ni Miguel.
"Yes?" Tanong ko..
"Ano pong sabi ni mommy?" Tanong niya sa akin.
Hayyss paano ko kaya ito sasabihin sa kaniya? Di ko naman pwedeng sabihin na umuungol ang ina niya sa gitna ng umaga.
"Ah. Eh. Ih. Oh. Uh. Uhmmm.. Wala eh. Di ko ma-contact." Utal utal na sagot ko sa kaniya..
"Ganun po ba?..." Matamlay na sagot niya sa akin.
"Hayaan mo na. Malay natin sumagit na yun mamaya." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.
Isang iling lang ang kaniyang naging sagot..
"Wait lang ah.. Bibili lang ako ng pagkain." Pagpapaalam ko sa kaniya..
"Sige po. Thank you po.." Pagpapasalamat niya..
Habang naglalakad ako papunta sa labas ng pedia ward.. Napaisip nanaman ako sa hagdan na inakyat ko kanina. Di pa man ako nakakababa, tinatamad na ako umakyat uli.
Susme Lord. Help naman po oh.. Nakakapagod po kayang mag akyat panaog.
Nang makaharap ko na ang hagdan. Parang ayoko nang bumaba pa. Parang mas gusto kong magpagulong gulong nalang. Kaso di ko gagawin yun, sayang beauty ko.😂😂✌
Hayyss sige na nga. Bababa na ako. Kawawa naman yung bata, naghihintay pa naman sa akin.
Author's note:
Hay salamat. Natapos na rin ang isang chapter.
Wait niyo lang po yung isang update, pipilitin ko pong magsipag para sa inyo lahat😂😂👊👊 mga next week siguro ang update.😂😘
READ.VOTE.COMMENT.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomansaKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
