Rose Martin's P.O.V.
Nahalikan niya ako. Bakit di ako nagalit? Bakit?
Napaisip ako habang naglalakad na nakahawak sa labi..
Bakit imbis na magalit ako, hinayaan ko siya? Bakit?
Pero hindi niya naman yun sinasadya diba? Hindi nga ba?
Napaka gulo. Hindi ko maintindihan.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko parin yun iniisip.
*pok* biglaang pagka untog ko sa isang babae.
taena. Shiiit. Ang sakit! Jusme naman oh!
"Aray!" Sabi naming dalawa habang parehas kaming napahawak sa noo namin.
Isang medyo matangkad na babae ang nakaharap ko. Mukha siyang mataray. Pero maganda. Mahaba at straight ang buhok na kulay itim. Naka skinny jeans siya na itim then naka white off-shoulder na damit.
"Sorry." Ako na ang unang humingi ng tawad sa kaniya.
"Tatanga tanga kasi eh!" Pagtataray niya sakin.
Loko 'to ah! Siya pa may ganang magalit.
"Sorry ah! Sorry!" Langya. Siya na yung naka bangga ako pa sinisi.
Tinitigan niya ako mula paa hanggang ulo.
"Oh. Ano?! Naliliitan ka sakin?!" Pasigaw kong sabi sa kaniya.
Loko teh. Palaban ako. Wag mo ko subukan.
"Oo. Hindi ka lang maliit, madungis ka pa!" Sabi niya sabay tawa ng malakas.
Walang hiya 'to ah. Ako? Madungis? Malinis ako sa katawan ko noh.
![](https://img.wattpad.com/cover/94268593-288-k117774.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...