Twenty-eight

7 2 1
                                    

Rose Martin's P.O.V.

Pagkalapag ko ng cake sa mesa, dumiretso kaagad ako sa harap ng cr.

*tok tok tok* pagkatok ko sa harap ng cr.

"George.. George.. Okay ka lang ba?.. Bakit ang tagal mo?.." Ano kayang meron? Bakit ang tagal niya sa cr.

"Wala.. Okay lang ako... Kinakausap ko lang si ano... Ay mali, wala pala akong kinakausap" huh? Bakit ang OA niya aya ngayon? Hayaan mo na nga..

"Okay. Sabi mo eh.. Sige na.. Aakyat na ako para magbihis, mala-late na rin kasi ako.... Tsaka pasuyo naman, maglagay ka naman ng cake sa tatlong lagayan.. Salamat.." Pagkatapos kong sabihin yun, tumakbo na ako papunta sa kwarto ko para magbihis.

Pagkatapos kong magbihis, binuksan ko kaagad ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto, si George ang bumungad sa akin.

Naka black shirt siya na V-neck. Black pants. Halos walang nagbago, lagi naman siyang naka black eh..

Pero wait... Namili nga pala ako kung nakaraan ng light blue na damit at dark blue na shorts para sa kaniya.

Kinuha ko kaagad ito at inabot sa kaniya..

"Para sayo.." Sabi ko sa kaniya, sabay abot ng damit.

"Para saan ito?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

"Para maiba naman ang suot mo... Lagi kasing black eh.. Nakakasawa tingnan" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"So.. Nagsasawa ka na pala sa akin.." Sabi niya sabay sad face..

"Uy.. Grabe.. Hindi naman sa ganun.. Gusto ko lang ng ibang kulay para sayo... Para ka kasing nagluluksa palagi eh.." Sabi ko sa kaniya sabay kamot sa ulo ko.. Ang pangit naman ng pagkakasabi ko, para tuloy iniinsulto ko siya..

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon