Nineteen

21 4 3
                                        

"Hello?.." Pagsagot ko sa kabilang linya..

"Hello Rose.. May lakad ka ba mamaya?" Seryosong tanong niya sa akin..

"Ummm.. Wala naman.. Bakit?" May pagtatakang tanong ko sa kaniya..

"Ummm.. Kasi ano eh. Umm.. Aayain sana kitang lumabas mamaya....... Pwede ba?.." Kahit di ko nakikita ang mukha niya.. Ramdam ko ang kaba at hiya sa tono ng boses niya...

"Ahhh.. Sige.." Sagot ko sa kaniya.

"Thank you! Thank you! Thank you Rose! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya!.. Susunduin kita mamaya diyan alas tres.." Masayang sabi niya sakin.

"Ahh..okay.. Sige.." Medyo naguguluhang sabi ko sa kaniya.

Saan kaya kami pupunta mamaya? Importante kaya yun?

"Rose, ibababa ko na ah. Mag aayos pa kasi ako😁... Bye.." Pagkatapos niyang sabihin yun, ibinaba niya agad ang linya.

Pagkapatay ko ng phone ko.. Tumambad sa harapan ko sina George at Miguel.

Napakasaya nilang tingnan, para tuloy ama ni Miguel si George..

"Uyyyy.. Si Ate nakatingin kay kuya.." Pangungutya sakin ni Miguel.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay George..

"Gwapo ko noh?" Medyo natatawang sabi ni George.

"Che. Ang hangin mo.." Pagtanggi ko sa kaniya..

"Oh sige na George.. Iwan ko muna kayo, tapusin ko lang yung trabaho ko.." Pagdugtong ko sa sinabi ko

"Sige sige sige. Ako na bahala kay Miguel.." Nakangiting sabi niya

Pagkatapos kong magpaalam sa kaniya, dumiretso na agad ako sa table ko..

Habang naglalakad ako, isang matandang babaeng nakataas ang kilay ang humarang sa akin.

"Ay. Maam. Good morning po." Medyo nakakagulat yun ah..

"Ang aga aga, lumalandi. Bumalik ka sa trabaho mo." Pagtataray niya sa akin..

"Grabe ka naman makalandi maam.." Tugon ko sa kaniya

"May sinasabi ka pa?" Pagtataray niya

"Wala po. Wala po. Eto na nga po oh, babalik na sa trabaho?" Mabilis na sagot ko sa kaniya sabay punta sa table..

Grabe naman yun si maam. Kahit kelan talaga ang taray taray. Ako daw, malandi? Hindi naman ako malandi ah.. Malandi ba ako?😑 ang daming kontra sa kagandahan ko.. Kontra ng kontra, di nalang nila tanggapin na maganda ako.

After 12345chuchuchu hours..

Magti-three na.. Kawawa naman yun si George, iniwan ko kay Miguel..

Agad akong pumunta kay Miguel at George para tingnan kung anong nangyayari..

Pagkapunta ko sa kanila, mahimbing ang pagkakatulog nilang dalawa...

Kahit mahimbing pa ang tulog nila, kailangan ko silang gisingin kasi aalis na ako..

"George.. George.. George.." Paggising ko sa kaniya

"Ayhhhmmm.. Rose. Anong oras na ba?" Inaantok na tanong niya sa akin

"Mag ti-three na.. Kanina pa kayo nakatulog." Sagot ko sa kaniya..

"Look.. Ate si mommy oh.. Parating na.." Sabi ni Miguel sabay turo sa babaeng papunta sa amin..

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa anak ko?" Pagtataray ng nanay ni Miguel.

"Kayo po ba ang nanay ni Miguel?" Tanong ko sa kaniya

"Oo... Teka. Kilala kita ah.. Ikaw yung babaeng tatanga tanga sa mall.. Oo, tama, ikaw nga. Anong meron at nandito ka sa anak ko?" Pagtataray niya habang nakataas ang kaniyang kilay..

"Ako si Nurse Rose Martin.. Nurse ako ng anak mo.." Pagpapakilala ko sa kaniya..

"Ano ngayon kung nurse ka?" Pagtataray niya

"Responsibilidad ko PONG pangalagaan yung anak niyo PO dahil pasyente ko PO siya.. diba PO anak niyo PO siya? Bakit hinahayaan niyong magutom ang anak niyo PO?"

"Ikaw babae, wala kang pakielam sa kung pangalagaan yung anak ko. Nurse ka lang, ina niya ako." Mariing sabi niya sa akin.

"Mommy, tama na po. Wag na po kayo mag away." Pagpigil ni Miguel sa ina niya

"Sige na Miguel.. Aalis na kami.." Paalam ko kay Miguel habang naka ngiti, sabay alis.

Habang naglalakad kami ni George, di ko pa rin maiwasan na sumulyap sa kanila.

"Grabe. Kung ano ang ikinabait ng bata, yun naman ang ikinasama ng magulang." Bulong ko sa sarili ko.

"Yaan mo na.. Baka nagkaproblema lang kaya ganon siya magtaray.." Pagpapakalma sakin ni George.

Author's note:

Mamaya na po ang isang update.. Malalaman niyo na po ang tunay na pagkatao ni Sarah..

W A R N I N G!

Guys, SPG po ang sunod nitong part na ito. Ayan na ah, nag warning na ako. Ayoko nang makakatanggap ako ng report guys.

READ.VOTE.COMMENT.

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon