Eleven

40 10 4
                                        

Author's note:

Nagbago po isip ko 😂😂 mag uupdate nalang po pala ako  😂😂

-----------------

Pagtapos naming bumili ng popcorn at drinks, pumasok na kami sa loob ng sinehan.

Humanap kami ng pwesto ni Rose sa bandang gitna.

Nang makahanap kami ng pwesto, umupo agad kami at hinintay na mag start ang show.

Hindi pa man nag-i-start ang show, kumain na agad si Rose ng popcorn.

"Nakaramdam ka din ng gutom noh?" Sabi ko sa kaniya.

Ngiting hanggang tenga lang ang kaniyang naging tugon.

Habang nag-i-start ang show, halata sa mukha niya ang Pag ka-excited.

Hinayaan ko lang siya manuod..

Hindi ako mahilig sa mga love story eh. Gusto ko yung mga palabas na may zombie😍😂 hehehe

Pero dahil no choice ako, manunuod nalang ako.

Sa kalagitnaan ng palabas nagkasakit ang lalaki, tumor sa utak ang sakit niya. Sinabi rin na bilang nalang ang araw niya. Nang dahil dito, iyak nang iyak yung babae.

Nang muli kong tingnan si Rose, umiiyak na siya. Grabe ang Pag iyak niya. Naaapektuhan pala siya sa mga palabas na ganito.

Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo at in-offer ko ito sa kaniya.

"Wag ka nang umiyak." Sabi ko sa kaniya.

Habang ino-offer ko ito, tiningnan niya muna ako. "Salamat.." Sabi niya sa akin

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon