George Carver's P.O.V.
Hayyss... Heto nanaman ako, mag isa..
Umalis nanaman si Rose, inagaw nanaman siya sa akin ni Paul.
Rose, Rose, Rose.. Bakit ba kasi ang manhid manhid mo?
Hindi bale na. Ipaglalaban parin kita Rose. Di ako susuko.
Nang muli kong sulyapan si Miguel, kumaway ako sa kaniya para mag paalam.
Pagkatapos kong kumaway, naglakad na ako pababa ng hagdan.
"Sandali." Biglang tawag ng isang babae sa likuran ko..
Pagkatalikod ko, si Sarah ito—nanay ni Miguel.
"May itatanong lang ako...." Pagpaalam niya sa akin.
Hindi ako tumugon sa kaniyang sinabi, inantay ko lang na ituloy niya ang kaniyang sasabihin.
"Sino yung kasama ng kaibigan mo?" Seryosong tanong niya.
"Ah.. Yun ba? Si Paul yun. Bakit?" Sagot ko sa kaniya.
"Wala.. Wala. Wala.." Pagkatapos niyang sabihin yun, kumaripas siya ng talbo pabalik sa kaniyang anak.
Ang gulo niya naman. Ano kayang meron, bakit niya kaya tinanong kung sino si Paul?
Hayyss di bale na. Wala na rin akong balak alamin, nakakapagod na, puro Paul nalang.
Habang naglalakad ako, di ko parin maiwasang isipin si Rose.
Saan kaya sila pupunta ni Paul?
"George. Di ka pwedeng magpatalo. Ipaglaban mo si Rose." Sabi ko sa sarili ko..
Rose Martin's P.O.V.
kawawa naman si George, iniwan ko nalang ng basta basta.
"Paul. Saan ba tayo pupunta? Importante ba?" Tanong ko kay Paul.
"Oo Rose eh.. Ipapakilala sana kita sa mga magulang ko.." Nahihiyang sabi niya ..
"Hala. Seryoso? Grabe naman. Nakakahiya.." Gulat na gulat na sabi ko sa kaniya.
Seryoso? Ganito hitsura ko tas ihaharap niya ako.
Hindi ito pwede. Uuwi muna ako para magbihis.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
