Bago ako bumangon sa higaan ko, inunat unat ko muna ang katawan ko.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.
"Oh. George... Bakit? Anong oras na ba?... Hayy" nakakaantok naman...
"3am palang..." Sagot niya sa akin..
"Alas tres palang? Eh bakit ang aga mo mang gising?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Kumatok kasi ako kanina para ayain ka kumain pero nakatulog ka na ata kaya inantay nalang kits sa baba... Pero di ka parin nagigisng eh, kaya bumalik ako dito... Masama kasi matulog ng gutom.." Pagpapaliwanag niya sa akin.
"Pero anong oras palang oh.. Inaantok pa ako...." Pagtanggi ko sa kaniya..
"Kumain ka muna..." Pagpilit niya sa akin.
"Ayoko ngaaaaaa..." Pagtanggi ko na parang bata
"Isa Rose. Kapag hindi ka kumain hahalikan kita.." Pagbabanta niya sa akin.
Parang kala ko naman kaya niya..
Dahan dahan kong inilapit ang mga labi ko sa labi niya. Inilapit lang, di ko pa dinidikit. At umastang hahalikan siya.
Kitang kita ko sa mga mukha niya ang pagpapawis, Grabe, tumatagaktak. Siguro dahil kinakabahan.
Psh. Mahina naman pala ito eh. "Di mo naman pala kaya eh..." Pagkatapos kong sabihin yun, bumitiw kaagad ako sa kaniya para bumalik sa kama ko. Sinayang lang oras ko..
Pero laking gulat ko nang higitin niya bigla ang braso ko para humarap ako sa kaniya. Inangat niya ang aking mga kamay para di ako makapalag.
"Anong gagawin mo sakin?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
"Ano bang sinabi ko sayo kanina?" Sabi niya sakin sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
