Twenty-six

7 2 3
                                    

Author's note:

Hi po! Sorry kung di ako kaagad nakapag update, naging busy lang talaga ako... Sorryyyy... Pero babawi po ako, dadamihan ko muna ang updates ko.. Tsaka baka tapusin ko na rin po itong part 1 ng S.P.A.S.U. matatagalan po ang part 2 nito..

————————

George Carver's P.O.V.

"Okay lang yun. Wala nang bago sa akin dun. Best friend naman kita diba? Dapat walang malisya." Pagpapaliwanag niya sa akin.

Aruy. Aruy aruy aruy aruy. Sakit. Grabe. Best friend lang pala turing niya sa akin.

Ano George? Ipaglalaban mo pa o suko ka na? Best friend ka lang naman pala eh.

Rose naman kasi eh. Bakit ba kasi napaka manhid mo? Bakit? Bakit? Bakit?

George, ano na? Mag isip ka ng maayos. Pag isipan mo kung dapat mo pa bang ipaglaban. Nagmumukha ka nang tanga. Ano? Papayag ka bang magmukhang tanga? Kala ko ba ayaw mong magmukhang tanga, hanggang salita ka lang naman pala eh.

"Awts. Sakit naman nun." Sabi ko sa kaniya sabay kamot sa ulo.

Rose Martin's P.O.V.

"Masakit? Bakit? Anong masakit dun? Best friend naman kita diba?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

Ano kayang ibig sabihin niya na masakit?

"Ano kasi eh... Ano... Ummm.." Nubayan. Para namang timang toh. Ang bagal sumagot.

"Ano eh... Kasi ano... Umm... Mahal—" putol na sabi niya.

*cring... Cring... Cring..* Pag ring ng phone ko.

"Hello..." Sabi ko sa kabilang linya

"Hi Rose. Si Paul ito. Sorry kung masyadong maaga ang pagtawag ko sayo..." Mahinahong sabi niya.

Ano naman kayang ganap? Bakit naman kaya siya tumawag?...... Ay! Oo nga pala, naalala ko na. Umalis agad ako sa kanila kanina.

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon