Author's note:
Hi guys! Di po ako sure kung makakapag update ako bukas kasi busy ako.. Kaya ngayon na ako mag uupdate! 😁
———————
Habang naglalakad ako papunta sa aking anak, laking gulat ko nang may kasama siyang ibang tao.
Agad akong tumakbo para tingnan kung sino sila.
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa anak ko?" Pagtataray ko sa kanila.
"Kayo po ba ang nanay ni Miguel?" Mahinahong tanong niya sa akin.
Habang tinititigan ko ang mukha niya, parang namumukhaan ko siya..
"Oo... Teka. Kilala kita ah.. Ikaw yung babaeng tatanga tanga sa mall.. Oo, tama, ikaw nga. Anong meron at nandito ka sa anak ko?" Pagtataray ko sa kaniya sabay taas ng kilay.
"Ako si Nurse Rose Martin.. Nurse ako ng anak mo.." Pagpapakilala niya.
Pake ko kung nurse ka "Ano ngayon kung nurse ka?"
"Responsibilidad ko PONG pangalagaan yung anak niyo PO dahil pasyente ko PO siya.. diba PO anak niyo PO siya? Bakit hinahayaan niyong magutom ang anak niyo PO?"
"Ikaw babae, wala kang pakielam sa kung pangalagaan yung anak ko. Nurse ka lang, ina niya ako." Mariing sabi ko sa kaniya.
"Mommy, tama na po. Wag na po kayo mag away." Pagpigil sa akin ni Miguel.
Natauhan ako nang pigilan ako ni Miguel, kaya tumigil ako. May sakit si Miguel kaya hindi siya pwedeng ma-stress.
"Sige na Miguel.. Aalis na kami.." Pagpapaalam niya kay Miguel.
Habang naglalalad sila, alam kong nakatingin pa rin sa akin ang babaeng yon. Alam kong pinag uusapan nila ako.
Imbis na tingnan ko sila, ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Miguel.
"Anak, okay ka lang ba? May ginawa ba silang mali sayo?" Pag aalala ko kay Miguel sabay hawak sa kaniyang mukha.
"Okay lang po ako mommy..... Mommy, bat di po kayo kaagad bumalik?" Seryosong tanong niya sa akin..
"Gumawa pa ako ng paraan para may makain tayo anak. Pasensya kung hindi ako nagpaalam.." Sabi ko sa kaniya habang nakahawak ako sa mga kamay niya.
"Ahh.. Ganun po ba? Yaan mo po ma, sa susunod po mag tatrabaho po ako para magkaruon po tayo ng maraming pera." Sabi niya sa akin habang naka ngiti hanggang tenga.
Hindi ko maiwasang maiyak sa mga sinasabi niya.. Ayokong isipin na kawawa ang anak ko dahil sa sakit niya. Sana ako nalang ang nagkasakit, napaka bata niya pa para danasin ang mga bagay na toh.
"Oh mommy, bakit po kayo umiiyak?" Sabi niya sa akin sabay punas ng mga luha ko..
"Wala toh nak. Napuhing lang ako.." Dahilan ko sa kaniya.. "Kumain ka na ba anak?" Tanong ko sa kaniya.
"Opo, binigyan po ako ng food ni Ate at kuya kanina.." Sabi niya sa akin sabay turo sa sinasabi niyang ate at kuya.
"Nag thank you ka ba anak?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo naman po!!😁" masayang sabi niya.
Rose Martin's P.O.V.
Nang muli kong tingnan si Miguel, itinuro niya kami ni George.
"Napaka bait niyang bata ano?.." Sabi sakin ni George...
"Oo nga eh.. Sana kung magkaka anak man ako, ganyan ka bait.." Sabi ko sa kaniya.
"Ilang ganyan ba gusto mo?" Mahinang sabi niya.
"Naku George, tigilan mo ako.." Iritang sabi ko sa kaniya.
"Luh. Bakit? May sinabi ba ako?" Natatawang tanong niya.
"Wag mo kong niloloko, narinig ko sinabi mo.." Sabi ko sa kaniya.
"Hehehe.. Sorna. Ikaw kasi eh.. Hilig mong mangarap.." Natatawang sabi niya.
"Rose, may saaabihin sana ako sayo....." Pagdugtong niya..
"Ano yun?.." Mahinahong tanong ko sa kaniya.
"Ano kasi eh... Ummm.. Kasi ano.." Nauutal na sabi niya.
"Ano nga?" Pagpilit ko sa kaniya.
"Ano kasi——" bigla niyang pinutol ang sinabi niya..
"Hi Rose! Sorry sa paghihintay.." Pambungad ni Paul.
"Oh, George. Andito ka pala.." Dugtong niya.
"Okay lang yun" sabi ko sa kaniya.
"Ano nga ulit yun George?.." Tanong ko ulit kay George..
"Wala.. Wala.. Wala.. Sa susunod nalang siguro.." Nakangiting sabi niya..
"Okay, sabi mo eh.." Pagsang ayon ko. "Sige na George, aalis na kami.." Pag paalam ko sa kaniya..
Author's note:
Ano kaya yung sasabihin ni George kay Rose?
Bukas or next week na po ang next update guys!
READ.VOTE.COMMENT.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
