February 12, 2022 (present day)
Rose Martin's P.O.V.
Its been 6 years since I saw him. Ang tagal na. Napakatagal na. Kamusta na kaya siya? Kilala niya pa kaya ako? Naaalala niya pa kaya ako?
Siguro naman sapat na ang anim na taon para patawarin ko siya. Grabe noh? Ako na siguro ang pinaka ma-pride na tao sa buong mundo, natiis ko siya ng anim na taon dahil lang sa isang pagkakamali.
Wala akong magagawa, nasaktan ako eh.
"Lintik ka Paul! Ang sakit sakit!!" Napaiyak nalang ako sa mga naalala ko sa mga nangyari noon.
*cringgg*(may tumatawag sa cellphone ko)
"Hi, Rose. Free ka ba ngayon?"
"Oh, George. Ikaw pala. Bakit, ano meron?" Nakakapagtaka, paano niya nakuha number ko? At kanino niya hiningi?
"Wala. Gusto lang sana kitang yayain lumabas."
"Sorry George, hindi pwede eh. Aalis kasi kami ni Mama mamaya, birthday niya kasi. Sorry talaga.."
"Ahh.. Ganun ba?..." Naramdaman ko ang pagkalungkot niya..
"Oo eh. Kung gusto mo, sumama ka nalang.. Kaso baka magalit si Mama eh.."
"Wait lang Rose Ahh.." Huminto muna siya.. Tsaka niya itinuloy yung sasabihin niya "Rose, nagpaalam na ako sa mama mo, okay kang daw na kasama ako."
"What?! Seryoso ka? Paano ka nagpaalam?" Nakapagpaalam kaagad siya?
"Nandito kasi ako sa sala niyo, kanina pa ako nandito. Hehehe"
"Abnoy ka talaga. Nag aksaya ka pa ng load. Sana umakyat ka nalang dito kanina para kausapin ako diba?" Hayy naku naku -,-
"Okay lang yun, basta para sayo..."
"Ano ano ano ano nanaman yang mga drama mo?"
"Wala.. Sabi ko, Hindi nalang ako pumasok sa kwarto mo kasi narinig kitang umiiyak.." Umaygad. Narinig niya pala ako.
"Ako umiiyak? Hindi ah." Nagtapang tapangan nalang ako..
*criikk* (may nagbukas ng pinto)
Nagulat ako nang bigla siyang pumasok. "Ahhhh!!!!" Umaygad! Nakita niya ang katawan ko!! "Walang hiya ka! Lumabas ka!!" Nakakahiya. Naka bra't panty lang ako.. Huhuhu wala na virginity ko!! 😭😭
"Sorry sorry sorry. Di ko naman alam eh.." Walang hiya talaga toh. Ayaw parin lumabas.
"Wahh!! Ano pang ginagawa mo?!! Lumabas ka na!!" Lord!! Yung katawan ko.. Yung maganda Kong katawan.. Nakita niya...
Pagkatapos ng nangyari.. Bigla kong naalala ang nangyari samin ni Paul dati.. Isang nakakatawa at nakakainis na pangyayari..
Author's note:
Hi guys! Suportahan niyo po sana ako!! 😀😀😁
Wag niyo pong kainisan si George😂😂
READ.VOTE.COMMENT

BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...