"Huh?! Sige pupunta na ano diyan." Natatarantang sagot ko sa kaniya.
Agad kong binaba ang phone ko at nag paalam na kina Paul.
"Aalis na po ako Tita, Tito, Paul.." Paalam ko sa kanila
"Huh? Agad agad? Bakat? Okay ka lang ba Rose? Ano daw bang nangyari?" Tanong sakin ni Paul.
"Emergency kang.." Maikling sabot ko Sabah takbo palabas..
"Sandali.." Sabi ni Paul sabay higit sa braso ko.. "Sasamahan na kita..." Dugtong niya.
Inalis ko kaagad ang kamay niyan sabay sabing.. "Hindi na kailangan. Bantayan no magulang mo Paul.."
Hindi pa man siya nakakapag salita, tumakbo kaagad ako para pumara ng taxi..
"Ma'am saan po tayo?" Mahinahong tanong sakin ng driver ng taxi.
"Diretso kang po manong..." Sagot ko sa kaniya. "Pakibilisan lang po..." Pagtapos kong sabihin yun, agad niyang pinaandar nang mabilis ang kaniyang taxi.
Nang makarating kami sa harap ng bahay, inabot ko agad ang 500 pesos sa kaniya at agad na tumakbo papunta sa harap ng pinto ng bahay namin kahit alam kong may sukli pa akong 8 pesos.
Grabe noh? Para lang sa otso pesos :3 nakakapanibago, parang dati naman hinahabol ko pa talaga yung sukli ko kahit dos nalang.
Moving on.... Pagbukas ko ng pinto, tumambad si mama habang nakaupo sa sofa at ang kapatid ko naman ay nakahiga sa hita niya.
"Ma, okay na po ba siya?" Unang tanong na lumabas sa bibig ko nang makita ko sila.
"Medyo bumaba naman na ang lagnat niya.." Mahinahong sagot niya sa akin.
Juskqo ma. Lagnat lang pala. Lagnat lang. Susme naman oh.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
