Pagkatapos kong magluto. Pinaghanda ko na siya ng pagkain.
"Paul, kain na." Inabot ko sa kanya yung inihanda kong pagkain
"Salamat" pasasalamat niya sakin na may halong ngiti.
Umupo agad ako sa sofa at binuksan ang t.v.
"Nak, may pagkain na ba? Napasarap kasi tulog ko eh." Sabi ni mama galing sa likuran. Kasama niya si Sophie sa pagbaba.
"Opo ma, kain na po" aya ko kay mama
"Nak, Aalis kami ngayon ni Sophie, pupunta kami sa auntie elize mo. Gusto mo ba sumama?" Pag aya sakin ni mama
Umiling lang ako at ibinalik ang atensyon ko sa t.v.
Hindi na bago sakin na kahit gabi eh umaalis si mama. Close na close niya kasi si auntie Elize. Sa kanilang limang magkakapatid kasi, si auntie Elize lang ang pinagsasabihan niya ng mga sikreto niya.
Pagkatapos nila mama at Sophie kumain, lumabas na sila ng pinto at nagpaalam.
Kaming dalawa lang ni Paul ang naiwan dito sa bahay. 8p.m. na pero di parin ako dinadalaw ng antok.
Halos isang oras na simula nung umalis sila mama.
"Rose, uuwi na ako. Anong oras na kasi eh." Paalam niya sakin.
"Sige sige. Ingat ka ah." Pagpayag ko sa kanya.
Pagkatapos niyang mag ayos lumabas na siya sa pinto at tuluyang umalis.
Ako nalang ang mag isa dito sa bahay. Nakakatakot. Mamaya biglang may sumulpot sa ilalim ng sofa o di kaya biglang may lumabas na tao sa TV
![](https://img.wattpad.com/cover/94268593-288-k117774.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...