Twenty-seven

5 1 6
                                    

"Hayyyssss!!!! Ang sarap ng tulog ko Grabe..." Sabi ko sa sarili ko habang umuunat unat.

Inangat ko ang kamay ko para tingnan kung Anong oras na..... "6:30 na?! Shit! Mala-late na ako!"

Agad akong tumayo mula sa sofa papunta sa kwarto ko...

Nang makuha ko na ang towel ko, uniform ko, bag ko at kung ano ano pa, inihagis ko na ito sa sofa para makaligo na ako..

Habang nasa loob na ako ng cr, nag hubad kaagad ako at hinagis ko sa labas ang mga sinuot ko para hindi ito mabasa.. Pagkatapos kong gawin ang mga yon, nagsimula na akong maligo..

Nag shampoo ako, nagsabon, nagsipilyo, tsaka siyempre nagbanlaw muna ako bago lumabas... Bilis ko maligo noh? Ganun talaga, wala akong magagawa, late na ako..

Bago ko buksan ang pinto.. "Yung towel ko? Asan na?" Tanong ko sa sarili ko..

"Ay. Oo nga pala, hinagis ko sa sofa kanina... Hayaan mo na, ako lang naman tao dito sa bahay ngayon.." Sabi ko sa sarili ko sabay bukas ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto.. "Happy birthday—" pagkanta ni George pero hindi niya ito tinapos at agad niyang pinikit ng mariin ang mga mata niya..

Ohh... Ang sweet naman ng best friend ko, may Pag ganon pa.. Buti naalala niyang birthday ko.. Pero bakit hindi niya tinapos? At bakit siya nakapikit? Ano meron?..

Shit! Nakahubad nga pala ako! 😫 my god. Nakakahiya!!!!

Agad akong pumasok ulit sa cr at agad din akong nag lock ng pinto.

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon