Twenty-three

25 2 9
                                        

Pagbukas ni Paul ng pinto, hinayaan niya muna akong makapasok.

Hinatid niya ako sa sala para maka upo na ako.

"Saglit lang ah." paalam niya sa akin. Pagkatapos ay umakyat siya sa kwarto niya.

Habang hindi pa siya nakakababa, pinagmasdan ko muna ang kanilang bahay.

"Grabe. Parang walang nagbago. Tulad parin ito ng dati." sabi ko sa sarili ko.

Naglakad lakad ako sa sala para pagmasdan ang mga larawan na nakadikit sa pader.

Habang ako ay naglalakad, isang larawan ang umagaw sa aking pansin.

"Hindi kapani paniwalang nandito pa ito..." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa picture namin ni Paul noon habang magkayakap.

"oh.. Rose, hija.." sabi ng isang babae mula sa likuran ko..

Pagkaharap ko sa kaniya.. Si Tita pala ito--nanay ni Paul.

"Hi po Tita!" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Alam mo ba..." sabi niya sabay tingin sa picture na tinitingnan ko kanina. "hindi ka nya kinalimutan.. Alam kong nagsisi siya nang sobra sa ginawa niya sayo, anak. Pagpasensiyahan mo na ang anak ko hija ha.."

"Wala po yun. Matagal na po yun. Tsaka kinalimutan ko narin yun.." nakangiting sabi ko sa kaniya kahit alam ko naman na hindi ko nagawang kalimutan ang mga bagay na yon. Naaalala ko parin kung gaano yun kasakit.

"oh hija, anak.." sabi ng papa ni Paul habang bumababa sa hagdan kasama si Paul.

"Hello po tito!" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Halika na.. Kain na tayo.." pag aya ni Tita

Laking gulat ko nang hawakan ni Paul ang kaliwa kong kamay. "bakit?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"samahan na kita." sabi niya sa akin.

Huh? Eh kabisado ko na nga itong bahay niyo eh.. Bakit niya pa kaya ako sasamahan. "Ano ka ba? Alam ko papunta doon.." sabi ko sa kaniya sabay bitaw sa kamay niya.

Pagdating namin sa kusina, pumunta kaagad ako sa mama ni Paul.

"Tita, tulungan ko na po kayong magluto..." sabi ko sa kaniya.

"Wag na anak.. Ako na bahala.. Kaya ko na ito.." pagtanggi ni Tita sa akin

"Ay naku Tita. Wag kayong ano. Basta tutulong ako." pagpupumilit ko sa kaniya.

"oh sige.. Ikaw ang bahala.." sabi niya sa akin

Habang tumutulong ako sa paghiwa ng sibuyas. Di ko parin maiwasang tumingin kay Paul.

Grabe.. Ang gwapo talaga ni Paul.. Hayyyy.... "Aray!" sigaw ko.

Sheeeeemmmsss.. Ang shakhitttt.. Taena naman oh.

Langyang kutsilyo ito, sinugatan pa ako..

"Rose, okay ka lang ba?" pag aalala sakin ni Tita.

"okay lang po ako.. Ako na pong bahala dito.." mayygasss hhaaanngg shakhit... Ang anghang ng sibuyas. Sobra.

Agad na tumakbo si Paul papunta sa akin. Agad naman akong pumunta sa lababo.para hugasan ang sugat ko.

"Rose, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin na para bang sibra siyang nag aalala.

"Halika. Duon tayo sa taas, lilinisin ko yan." dugtong niya.

"wag na... Maliit lang naman ito.." pag tanggi ko sa kaniya.

"Hindi pwede. Bisita kita at dapat kitang asikasuhin at intindihin." pagpupumilit niya.

Nang makarating kami sa kwarto niya, umupo ako agad sa kama niya. Umalis naman siya para kunin ang med kit niya.

Dahan dahan niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay para linisin ang sugat nito.

Habang nililinis noya ang sugat ko, hindi ko parin maiwasang tumingin sa mga mata niya.

Pagkatapos niya itong linisin, dahan dahan niya itong inangat at itinapat sa kaniyang labi. Dahan dahan niya rin itong hinalikan at sinabi niyang "Wag kang mag alala. Gagaling kaagad yan"

Pagkatapos niyang gawin yun hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hindi ko rin alam kung bakit. Para bang bigla akong nawala sa ulirat ko matapos niyang halikan ang kamay ko.

"Masakit pa ba?"... Tanong niya sa akin... Kahit alam kong nagtatanong siya para bang hindi ko ito marinig... Alam kong inulit ulit niya yung tanong na iyon. Pero hindi ko parin ito masagot.

Laking gulat ko nalang nang dahan dahan na dumampi ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.

Isang napaka tamis na halik ang aking nadama sa mga saglit na iyon. Dahan dahan niyang inalis ang pagkaka dampi ng kaniyang mga labi sa akin.

"masakit pa ba?" muli niyang pagtanong.

"huh? Ah eh.. Hindi na siguro.." naguguluhang sagot ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi ata ako nagalit sa kaniyang ginawa. Hindi ko alam kung bakit. Para bang ginusto ko itong mangyari.

"sure ka ah? Halika na. Kanina pa nag aantay sila mama sa baba." pag aya niya sa akin. Agad niyang hinawakan ang kamay ko para ihatid ako sa kusina.

Pagkababa namin, nakahanda na ang pagkain sa hapagkainan.

"Hija, kain na.." pag aya sa akin ni Tito.

"sige po.." nakangiting sagot ko sa kaniya.

"okay na ba yang sugat mo Rose, anak?" tanong sa akin ni Tita.

"Opo Tita. Gagaling din po agad ito." sagot ko sa kaniyang tanong.

Agad na akong umupo para masimulan nang kumain. Sinimulan ito ni Paul sa dasal.

Habang kumakain kami, hindi ko parin maiwasang pagmasdan si Paul. Napaka gwapo at matipuno talaga ni Paul.

"Alam mo ba Rose, hija... Bagay talaga kayo ni Paul.." sabi sakin ni Tita.

"Ah eh.. Okay po." maikling sagot ko sa kaniya.

Nang isusubo ko na ang pagkain na nasa kutsara ko....

*cring.. Cring.. Cring..* pag ring ng phone ko

Agad kong ibinaba ang pagkain ko para sagutin ang tawag.

"Hello?..." sabi ko sa kabilang linya.

"Rose si George ito.. Yung kapatid mo......"

Author's note:

Hi guys! Hanggang dito nalang muna. Pasensiya sa matagal na update. Nasira kasi phone ko eh.. Nakihiram lang ako ng phone para maka pag update. So bale matatagalan ulit bago ako makapag update.

Ano kayang nangyari sa kapatid ni Rose??...

Keep on voting guys!!!

READ.VOTE.COMMENT.

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon