Paggising ko, tiningnan ko muna ang relo ko, 4 hours narin siguro ang tulog ko..
Pagkatingin ko kay George.. Nakadilat na siya, nakatingin siya sa akin, umiiyak..
"George... Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya sabay yakap ng mahigpit.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin George..." Dugtong ko..
Dahil napansin kong hindi siya kumikibo, umalis muna ako sa pagkakayakap ko sa kaniya..
"George, tungkol dun sa letter mo... Nabasa ko..." Sabi ko sa kaniya pero wala parin siyang kibo..
"George, mahal kita.. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo, hindi na hihigit pa.. Sana mapatawad mo ako George..." Paghingi ko ng tawad sa kaniya.
Hindi parin siya kumikibo sa akin.
Tinititigan niya lang ako, iyak siya ng iyak. Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya.. Pero imbis na hayaan niyang yakapin ko siya, itinaboy niya ako.
"Lumayo ka muna sa akin.." Sabi niya ng walang emosyon. Pero tuloy tuloy parin siya sa Pag iyak.
"Pero George... Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo.. Ayokong umasa ka. Ayokong mag mukha kang tanga—" biglang naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Ako? Tanga? Alam ko, di mo na kailangan ipaalala. Alam kong masakit, pero ipaglalaban ko, kasi umaasa ako. Kahit alam kong bawal na. Kahit alam kong nagmumukha na akong tanga."
Pakikipagtalo ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit siya nag bago. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba.
Mali ako... Kasalanan ko talaga.. Pero hindi ko naman ito ginusto..
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Best friend kita George, ayaw kitang saktan pero kailangan.. Dahil kapag hindi kita sinaktan, habang buhay kang makukulong sa pagmamahal mo sa akin na hindi ko naman kayang suklian. Ayokong mangyari yon sayo George.. Patawarin mo ako..
"Mahal kita Rose, bakit ba hindi mo magawang ibigay o suklian ang pagmamahal ko sayo? Napaka tagal ko nang nasa paligid mo, bakit hindi mo ako kayang pansinin? Anong meron si Paul na wala ako? Ganyan ka ba ka-manhid Rose?.." Tanong niya sa akin habang umiiyak.
Hindi ko na nagugustuhan ang tono ng boses mo George..
"George, hindi isang bagay ang pagmamahal na pwedeng hingiin kapag ginusto mo... Sana George matauhan ka.. Sana.." Pagkatapos kong sabihin yun, naglakad ako papunta sa pinto.
Binuksan ko ito......
"Rose, kapag lumabas ka... Wag ka nang bumalik, kalimutan mo nang may nakilala kang George..." Sabi niya sa akin habang umiiyak.
Hindi ko alam ang gagawin ko, pero kailangan ko itong gawin para matauhan ka George.
Masakit para sa akin na iwan ang isang matalik na kaibigan tulad mo George, pero kung hindi ko ito gagawin baka lalo kang mawala sa akin.
Lumabas ako at isinara ko ang pinto.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...