Rose Martin's P.O.V.
Pagkatapos ng mga pangyayari kanina, tinawagan ko kaagad si George..
Bakit kaya ang tagal niya? Ano na kayang nangyari sa kaniya? At bakit niya nire-reject ang tawag ko sa kaniya?
Nang itatago ko na ang phone ko, bigla itong nang ring. Si George...
"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.
"Hello po ma'am... Kayo po ba si Rose Martin?.." Tanong sakin galing sa kabilang linya. Bakit ibang tao ang sumagot?
"Oho... Bakit ho?.." Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Pano niya nalaman pangalan ko?
"PO2 Christian Reyes po ito... Nakuha ko po ang numero niyo sa cellphone ng kaibigan niyo. Na hit and run po kasi siya dito malapit sa isang mall. Wala pong Malay ang biktima ngayon.. Dinala na po namin siya sa Hospital malapit dito...." Nang sabihin niya yun. Bigla akong kinabahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Bigla nalang akong naiyak sa mga narinig ko.
"Opo. Pupunta po kaagad ako diyan!" Pagtapos kong sabihin yun, ibinaba ko agad ang phone ko.
Tumakbo ako papunta sa elevator pero laking gulat ko ng biglang may humigit sa aking braso.
"Bakit Rose? Anong nangyari?" Tanong sa akin ni Paul.
"Si George.... Na hit and run..." Pagtapos kong sabihin yun, niyakap niya ako.
"Halika, puntahan na natin siya ngayon..." Sabi niya sa akin..
Bago kami pumasok sa elevator, may nakita akong bulaklak na Rosas na pula at puti.
Tiningnan ko ito saglit, nakita kong may letter ito kaya kinuha ko tutal wala namang may ari siguro nito..
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomanceKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
