Habang naglalakad kami ni Rose, chineck niya yung phone niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya dahil parang medyo nag aalala siya.
"Si Paul kasi.." Malungkot niyang sabi
"Bakit? Ano meron kay Paul?" Tanong ko sa kaniya na may halong pagtataka
"Kagabi pa kasi siya di nag tetext sakin. Ano kaya nangyari sa lalaking yun.." Sabi niya sakin habang naka simangot.
"Baka busy lang yung tao. Baka maraming pasyente ngayon sa hospital." Sabi ko sa kaniya para medyo gumaan ang paki ramdam niya.
"Bat di niya man lang ako ma-i-text kahit saglit lang? Ganun ba kabigat ang isang text?" Pagkatapos niyang sabihin yun, napabuntong hininga nalang siya.
"Hayaan mo na. Nandito naman ako eh." Sabi ko sa kaniya
"Buti ka pa nandiyan palagi sa tabi ko.." Sabi niya sa akin habang nakahawak sa dalawang kamay ko.
Kung alam mo lang Rose.. Kung alam mo lang..
Gagawin ko lahat para sayo..
"Siyempre. Best friend kita eh!" Sabi ko sa kaniya sabay yakap.
Mahigpit na yakap din ang kaniyang naging tugon.
"Ang swerte ko talaga't nagkaroon ako ng best friend na tulad mo!!" Sabi niya sa akin habang naka ngiti hanggang tenga. "Ang swerte siguro ng mapapangasawa mo.." Pagtuloy niya sa kaniyang sinabi.
"Swerte talaga siya.." Sabi ko sa kaniya ng mahina
Umalis siya sa pagkakayakap ko pagkatapos hinawakan niya ako sa kamay.
Hinaltak niya ako papunta sa stall ng ice cream.
Agad siyang bumili ng dalawa na naka cone. Parehong chocolate flavor ang kaniyang binili.
Ibinigay niya sa akin yung isa.
"Thanks.." Pasasalamat ko sa kaniya.
Isang ngiti lang ang kaniyang naging tugon.
"Hulu." Laking gulat ko nang bigla niyang ipahid ang ice cream sa pisngi ko.
"Yan. Cute ka na." Sabay tawa niya ng malakas.
Agad ko siyang ginantihan.. Ipinahid ko yung ice cream sa ilong niya
"Yan. Maganda ka na." Sabi ko sa kaniya habang natatawa
Bigla niya ulit akong ginantihan pagkatapos agad siyang tumakbo.
Hinabol ko siya nang hinabol hanggang sa mahuli ko siya't matumba kami.
Dahan dahan kong naramdaman ang kaniyang malambot na mga labi sa aking labi.
Inalis ko agad ang pagkakadampi ng kaniyang labi sa aking mga labi.
Nagkatitigan lang kami. Halatang halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"Sorry.." Paghingi ko ng tawad sa kaniya.
Bigla niya akong tinulak para maialis ako sa pagkakadagan ko sa kaniya.
Tumayo agad siya at umalis papuntang cr.
Agad ko siyang hinabol.
"Rose, sorry.." Paghingi ko ng tawad sa kaniya..
Nilingon niya ako. "Okay lang yun.. Di mo naman sinasadya eh." Tugon niya sa akin
Pumunta ako sa cr ng mga lalaki para mag hilamos at magpalit ng pang itaas.
Pagkatapos kong maghilamos, chineck ko kaagad ang bag ko.
Patay. Shorts at Sando lang nadala ko.
Hayaan mo na nga.
Agad akong nagpalit sa isang cubicle.
Pagkalabas ko ng cr......
Author's note:
Ghaaaadd!! Nagkahalikan na sila😘😍😍💑💏💏👫
Rose, ang harot mo!! 😂😂
Bukas na po ulit ang update!
Keep on voting guys!! 💪😘
READ.VOTE.COMMENT.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomansaKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
