Twenty-nine

7 2 4
                                        

"Wooohhh!!!!" Sigaw ko matapos kong malaman na buhay pa kami.

"Thank you Lord!!!!!!!" Dugtong ko.

Habang hinaharurot ko ang motor. Napansin kong nakapikit nang mariin si George.

"George. Okay ka lang ba?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Huh? Buhay pa ba tayo? Nasa langit na ba tayo?" Tanong niya sabay dilat ng kaniyang mga mata.

"Ano ka ba?! Buhay na buhay tayo oh.." Sabi ko sa kaniya.

"Wooohhh!!! Thank you!!! Akala ko tapos na ang buhay natin." Sigaw niya ng malakas. "Pero teka. Lampas ka na sa hospital oh." Dugtong niya.

Ay.. Oo nga noh, nasobrahan ako sa bilis ng pagpapa andar, di ko namalayang malayo na pala ako.

"Ay. Sorry. Oh sige, ikaw na mag drive ulit... Pero pakibilisan lang, 8 minutes nalang ang natitira sa akin eh.." Pagkatapos kong sabihin yun, hinarurot niya na kaagad ang motor sa ibang direksyon papunta sa hospital.

Nang makarating na kami sa harapan ng hospital. Agad akong bumaba at nagpaalam sa kaniya.

Habang tumatakbo ako papunta sa hallway... "Sana naman ayos na ang elevator..." Lord please, help..

Pagpindot ko sa button pataas, agad itong nagbukas.

Woooh! Sumasang ayon ata ngayon sakin si Lord.

Agad akong sumakay dito at pinindot ko rin kaagad ang floor no.8.

Pagpunta ko sa ward ng pedia, agad akong nag log in, dumiretso sa mga pasyente ko.

Nang icheck ko si Miguel... Natutulog siya..

"Miguel... Miguel.. Si ate pretty ito.." Paggising ko sa kaniya.

Agad naman siyang bumangon. "Good morning po!" Pagbati niya sa akin.

Si Paasa at si Umaasa (Part 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon