Nang mapagnilayan ko kung Tama ba na bigyan ko siya ng isa pang pagkakataon. "Yes." Isang maikling sagot ko sa kaniya.. Siguro mas tama narin ito, wala naman din kasing mangyayari kung magno-No ako eh..
"Yes? Totoo ba ito? Yes talaga ang sagot mo?! Thank you Rose! Thank you!!!" Pagkatapos niyang sabihin yun, agad niya akong niyakap ng mahigpit.
Laking gulat ko nang halikan niya ako sa harap ng maraming tao.
Isang hiyawan at palakpakan ang narinig ko sa paligid nang gawin niya iyon.
George Carver's P.O.V.
Woooh! Sana sagutin ako ni Rose!!
Rose, aaminin ko nang mahal kita!
Maganda naman siguro tong Red and white Roses para sa kaniya...
Lord, tulungan niyo ako..
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa ward ng pedia, kitang kita ng dalawa kong matawa si Paul at Rose na magkayakap habang dala dala ang mga red roses.
Dinig na dinig ng dalawa kong tenga ang sagot ni Rose kay Paul..
Mas lalo akong nasaktan nang halikan siya ni Paul sa harap ng maraming tao.
Ang Sakit. Sobra. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Imbis na panuorin ko silang nag hahalikan, tumalikod ako at naglakad ng dahan dahan papunta sa elevator. Imbis din na dalhin ko ang mga bulaklak, binitawan ko nalang ito sa lapag.
BINABASA MO ANG
Si Paasa at si Umaasa (Part 1)
RomantikKaramihan sa mga tao ngayon ay Umaasa. Isa ako sa mga taong nagpapakatanga para lang sa kanya. Ewan ko kung bakit. Kahit alam kong wala itong patutunguhan, nagpapakatanga parin ako, umaasa parin ako. Lintik naman kasi tong mga paasang 'to eh. Bakit...
