CHAPTER 1

9.2K 180 16
                                    

CHAPTER 1

KILALA ang pamilya Sandejas bilang isa sa pinakamayamang pamilya ng bansa kaya mahirap makapasok sa kanilang bahay. Naisipan niyang magtungo roon dahil kailangan.Ilang araw na rin siyang natutuksong magtungo sa bahay na iyon sa Forbes Park pero wala siyang makitang dahilan noon upang magtungo. Ngayon, naisip niya na kailangan na niyang kausapin si Don Patricio na siyang pakay niya. Madalas niyang makausap ang don dahil nagkikita sila sa mga function, nagkakausap, sa labas o loob man ng bansa. Kilalang business strategist si Fiona kaya marami siyang connections sa mga negosyante. At isa na rito ang isa sa pinakamayan na nilalang ng bansa—si Don Patricio Sandejas.

Kasama ni Fiona ang pamangking si April, binabagtas nila ang North Forbes. Binanggit niya ang pangalan  ng don sa guwardia at tumawag muna ito sa bahay na tinukoy ni Fiona. Nang malaman ng nasa kabilang linya ng teleponona si Fiona nga  ang papasok sa subdivsion ay malaya siyang pinapasok ng guwardiya.

Malalaki at magagara ang mga bahay sa North Forbes. Malapad ang kalsada at malalaki ang lote ng mga bahay. Nakahilera ang naglalakihang puno ng akasya sa lahat ng dadaanan. At dahil sa laki ng mga puno, ang sinag ng araw ay hindi direktang nakatutok sa kalsada dahil sa makakapal na mga dahon nito. Dahil din dito’y mahangin at presko ang paligid. Napakagandang tanawin; bigla’y nag-iba ang kanilang paningin ni April at pakiramdam ni Fiona, matapos suungin ang masikip na traffic sa EDSA ay nakaramdam siya ng ginhawa. Dito sa Forbes, kahit luma na ang subdivisiong ito ay name-maintain pa rin ang paligid. Kahit luma ang mga bahay ay napaka-grand pa ring tingnan ang mga ito.

Sa paghahanap ni Fiona sa bahay ni Don Patricio dinala siya ng kanyang sasakayan na sa tingin niya ay ang pinakamalaking lupain na nakita niya sa loob ng subdivision na iyon. Namumukod tangi ang bahay ni Don Patricio. Bukod sa ito ang pinakamalaking bahay sa subdivision ay iba ang istilo nito—pinaghalo ang antiquity and modern style. Ang kalahati ng bahay ay Medeterenian-Italian na siyang nagsisilbing main house ay may nakadikit na isang modern house na all-glass na nagsisilbing guest house. May bridgeway na nakarugtong sa mga ito. At nakakatawag pansin pa rito ay ang mga ivy vines na gumagapang sa antigong bahay na nagpaparagdag ng misteryo sa kabuuan nito.

Kung ano ang gara ng bahay sa panlabas ay higit na magara ito sa loob. Lahat ng mga kagamitan ay antigo at sa Europa pa nanggaling. Ang kanyang flooring ay combination ng travertine stone at ng kamagong planks. Ang kanyang mga furniture ay disenyo ng mga sikat ng furniture designers ng iba’t-ibang bansa at ang lahat ay mga orihinal.

Sa lobby ng bahay ay sinalubong sina Fiona at April ni Don Patricio.

“Fiona? Fiona Garces?” salubong na tanong ni Don Patricio sa kanya pagpasok nito.

Tumango si Fiona. Pero hindi natuon ang pansin ng don sa kanya kundi kay April.

Pinasok nila ang sala at sa labas nito ay ang lanai na tinatakpan ng ornamental vine na may mga bulaklak na iba’t-ibang kulay. Sa tabi nito’y makikita ang malapad na pond na may naglalakihang koi fish malayang naglalanguyan.

Awtomatiko ang galaw ng mga katulong sa bahay. May dala ng drinks ang isa na nakalagay sa tray para sa dalawang bisita. Ang isa naman ay dagling inayos ang mahabang antigong upuan sa lanai na siyang inupuan nina Fiona at April.

“Napakagandang bata,” wika ni Don Patricio na ang tinutukoy ay si April.

“Hindi ako magtatagal Don Patricio. Alam mo ang kalagayan ko. May chemo pa ako,” malumanay na sabi ni Fiona.

“Nag-usap na kami ng pamangkin ko, dito muna siya titira. May nakuha na ‘kong buyer sa condo ko sa Serendra and anytime now ay magbabayad na siya. Kailangan ko ang pera,” pagpapatuloy

ni Fiona. “April, siya si Don Patricio. Kakilala ko ang kanyang namayapang asawang si Elvira. Matalik na kaibigan ng iyong ina ang kanyang asawa mula noong nag-aaral pa lamang si Ate Fiorela, ang iyong ina, Kaya—“

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon