CHAPTER 3

5.5K 135 4
                                    

CHAPTER 3

SI ARMAN Anselmo Sandejas o Hans sa kanyang mga kaibigan at iba pang mga taong malalapit sa kanya ang General Manager ng Peak Industries Group of Companies. Kilala sa buong mundo ang kumpanyang ito lalo na ang pharmaceutacal company nito na siyang pinaka-core business.  They are also into telecommunications, chemical industries and food processing. Sa Boston nagtapos ng pag-aaral si Hans. Hindi ipinatuloy ni Don Patricio ang MBA nito dahil naisip niyang kailangan na siya sa kanilang negosyo dahil gusto nang magpahinga ng matanda. Wala pang isang taon si Hans sa pag-manage ng buong kumpaniya pero mabilis ang turn around nito. Nalalaman ni Don Patricio na may kakaibang charisma ang kanyang anak. Ang mga dating kliyente nila ay nagbalikan dahil nagustuhan ang management ni Hans at marami sa mga kliyente ng mga kalabang kumpaniya ay nag-invest sa Peak dahil may confidence ang mga ito kay Hans. Patuloy ding nadadagdagan ang investors ng kumpaniya.

Bukod sa mahusay na negosyante si Hans, sa stature nito bilang isa sa pinakasikat na bachelors ng bansa, natural na halos lahat ng mga sikat at magagandang babae ay nagkakagusto sa kanya. At ito ay ine-enjoy ni Hans… Sa katunayan ay hindi na niya mabilang sa kanyang mga daliri ang mga babeng dumaan sa kanya. Pero wala siyang sineseryoso ni isa kahit halos lumuhod na sa kanya ang mga ito dahil hindi siya makapag-commit sa isang relasyon. Katuwiran niya—honest siya sa ano man—hindi niya paaasahin ang babae sa isang commitment na hindi siya sigurado. Ang kanyang regulasyon sa isang relasyon: I will give you whatever you desire but don’t expect me to stay. Sa ibang salita: I can promise you heavens. I can make you the happiest woman in bed but don’t dictate me what you want. Just wallow the experience and no strings attached.

MATAGAL nang habol nang habol si Jodie Florendo sa kanya. Isa itong sikat na modelo sa New York. Iniwan ang pagmomodelo sa siyudad dahil sa kasusunod nito kay Hans. Dating may relasyon si Jodie sa prinsipe ng Brunei pero iniwan niya ito dahil naguluhan ang tahimik niyang mundo nang magkakilala sila ni Hans sa isang party sa yate sa French Riviera. Nang makita niya si Hans ay hindi na niya ito tinigilan—tinatawagan sa Maynila, at kahit saan magtungong conference ay sunod ito nang sunod sa binata. Kahit na sa Europa o sa North America magtungo si Hans ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Nang makilala niya si Hans sa yate ay nagpumilit itong sumama sa sinasakyang limousine. Ayaw naman itong hiyain ni Hans kaya pumayag na rin siyang isakay ito sa kotse.Iniwan nito ang boyfriend niyang prinsipe dahil tuluyan nang umibig kay Hans. Pero sa kasamaang palad hindi natuwa si Hans sa ginawang iyon ni Jodie. Hindi nagustuhan ng binata ang pagsunod-sunod ni Jodie sa kanya.

Hindi naglaho ang obsession ni Jodie kay Hans. Tiniis nito ang maliit na suweldo sa pagmomodelo sa Hong Kong at sa Macau. Halos gabi-gabi, bago umuwi si Hans ay nasa opisina si Jodie o di kaya ay nakaabang sa private penthouse niya sa Rockwell. Ilang beses na nagtangkang magpakamatay ni Jodie para kunin ang atensiyon ni Hans upang mahalin siya nito pero wala talagang feelings na mapiga sa kanya ang dalaga. Pero minsan kahit na naiinis na si Hans sa presensiya at pagsunod-sunod ni Jodie ay hindi na lamang niya pinapahalata dahil kahit papaano’y iginagalang pa rin niya ang babae.

“Hans!” salubong ni Jodie sa kanya. Kaagad na pumulupot ang mga kamay nito sa leeg niya. Pagkuwa’y ibinagsak naman ni Hans ang katawan sa malambot na sofa hawak pa ang IPad. Nanatiling nakatayo si Jodie at hindi nagpahalatang napahiya kay Hans dahil hindi sinuklian ng lalaki ang kanyang yakap.

“Surprised?” maluwag na nakangiting tanong ni Jodie.

“Uhum,” ipinikit ni Hans ang mga mata at idiniin ng dalawang daliri sa kanyang nose bridge malapit sa mga mata. Oh my… I wanna rest… ano’ng ginagawa ng babaeng ito rito..? Pinakawalan ni Hans ang namuong hagin sa kanyang dibdib. “Paseniya na Jodie. As usual, tired…”

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon