CHAPTER 28
HINDI na nagtanong si April kay Hans kung bakit nasa Economy Class lamang sila. Ang isang Sandejas na isa sa pinakamayan sa Pilipinas ay nasa Economy Class lamang at hindi sa First Class o di kaya’y sa Busines Class man lang ay lubhang nakapgtataka nga.
Kanina kasi pagsakay nila sa Singapore Airlines mula sa NAIA 1 ay nasa Buiness Class sila, at ang hindi niya maitindihan ay kung bakit pagsakay nila sa nasabing eroplano mula sa Changi Airport ng Singapore sa kung saan ang kanilang connecting flight ay nasa Economy Class lamang sila dumiretso at umupo.
Pero ganoon pa man, kahit saan pa siya, ang kasama lamang niya si Hans sa lahat ng sandaling iyon ang higit na mahalaga sa kanya.
Nag-announce ang PA na ready na for take off ang plane kaya inayos na muli niya ang kanyang seat belt. Nanatiling nakahawak ang kamay ni Hans sa kanya. Pero makaraan lamang ng ilang minuto—nang makaakyat na ang eroplano at pinatay na ang seat belt sign ay inaya ni Hans si April patungo sa kung saan naroon ang Business Class.
“Hans, where are we going” Nagtataka siyang nagtanong.
Nginitian lamang siya ni Hans ng makahulugan.
Sinalubong sila ng tatlong naggagandahang stewardess.
“Everything is ready, Mr Sandejas,” mahinahon na sabi ng tatlo. At yumuko pa ang mga ito na nagtinginan na para bang kinikilig sila kina Hans at April.
“Thank you, girls,” sagot ni Hans sa mga ito.
Nagtataka si April, habang patuloy na nagbubulungan at nagngingitian ang tatlong stewardess.
Dumaan sila sa Business Class at doon ay puno ang lahat ng seats. Nagtaka si April.
“Where are we going, Hans?” Nahihiya si April dahil ipinagpatloy ni Hans ang paglalakad nila. Pero ang ipinagtataa niya, nakangiti sa kanilang dalawa ang mga pasahero sa Business Class.
At ganoon na lamang ang pagkagulat ni April nang pagdating nila sa First Class at hawiin ng purser, ang pinaka-supervisor ng mga stwardess ang kortina roon ay nakita niyang walang taong naroroon at napakaromantic ng lighting nito.
Sinalubong sila ng ngiti ng lalaking purser. “Care for a drink, Mr. Sandejas? How about you, Miss Garces? We have, champaigne, white wine, red wine, brandy, skotch, ” nakangitinging alok nito, habang nakasenyas ang kamay at magalang na pinapasok sila sa hinawing kortina patungong First Class.
Malawak ang First Class—mistulang cubicle at may tig-iisang higaan para sa mga pasahero.
Ang pinakagitna lamang na magkatabing cubicle ang may bukas na ilaw. At ang nakamamangha pa ay ginawang espesyal ang gitna ng First Class cabin. May isang mesang bilog at dalawang upuan na para sa kanila lamang. At sa gitna nito’y may isang bungkos na bulaklak. Naroon na rin ang mga nakahandang plato, wine glass, spoon and fork sa mesa.
“Hans, I can’t believe this…”
Inalalayan ni Hans si April upang maglakad patungo sa gitna.
“Hans, you always amaze me? Ano ito?”
“This is exclusively for us. I paid all of the seats at kinausap ko ang airline na ibigay sa atin ang buong lugar na ito. I want to have you privately na tayong dalawa lang.”
Nilibot niya ang kanyang paningin at sa paligid ay ang walang mga lamang seats ng First Class.
Hinawakan ni Hans ang kamay ni April at hinatid sa kanyang upuan. “For my only queen, Miss April Garces.”
Marahang umupo si April. Huminga siya ng malalim na napahawak sa kanyang dibdib. Umupo si Hans sa kanyang harapan. Hindi maipinta ang kaligayahang nababakas sa mukha ni April—hindi ma-contain ang lubos na kaligayahan.
Ang kanyang sumunod na narinig ay ang romantic music na nagmumula sa piano. Ang “I Will Always Stay This Way In Love With You.”
“That’s yours. That’s your version,” mahinahon na sab ni April.
Isang ngiti lamang ang pinakawalan ng lalaki.
Isang stewardess na may hawak na champaigne ang lumapit. Pero magalang na pinigilan iyon ni Hans.
“I’ll do it...,” bulong nito sa stewradess.
Nakangiti namang nagpaubaya ang stewardess.
Marahang nilagyan ni Hans ang wine glass ni April at ganoon din ang sa kanya. Sa bawa’t kilos nito a hindi niya inaalis ang tingin at ngiti ito kay April.
“We are cruising at about 35,000 feet…”
Sinabi iyon ng piloto pero hindi nila pansin iyon. Nanatili silang nakangiti para sa isa’t-isa.
Patuloy na tumutugtog ang piano music sa loob ng First Class cabin.
Inabot nito ang kamay kay April. “Miss April Garces… Care for a dance?”
Hindi nagdalawang isip si April sa alok na iyon. Hindi pa rin inaalis nito ang tingin sa kanya. Marahan silang tumayo at niyakap ni Hans si April. Habang yakap-yakap siya ng binata ay isinasayaw pa siya nito. Marahang hinawakan ang kanyang palad at kanyang inilagay iyon sa dibdib. Ang kabilang kamay nito ay marahang humawak sa kanyang ulo at inilagay din ito sa dibdib. Ipinikit ni April ang kanyang mga matang nanatiling nakangiti sa kaligayahan sa pagmamahal at seguridad na nakanyang nadarama sa mga sandaling iyon na lumilipad sila sa kalingitan. Habang nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib ni Hans ay naririnig niya ang heart beat nito. Marahan siyang niyakap ni Hans. Naramdaman niya ang katawan nito na waring nagbibigay proteksiyon sa kanya. Muli pa siyang nakaramdam ng security sa init na nadarama niya sa mga oras na iyon. At inisip niya, sana ay hindi na ito matapos—kung puwede nga lang…
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...