CHAPTER 12
LATE NIGHT nang lumabas ng opisina si April. Halos siya ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa travel agency na iyon. Dahil sa dami ng kalabang travel agency sa paligid ng Cubao ay hindi halos kumikita ang maliit na travel agency na pinapasukan ni April kaya lamang inisip ng may-ari nito na i-maintain na lang kahit halos break-even ang pumapasok na pera rito. Naisip naman ni April na pansamantala lamang ang pamamalagi niya sa nasabing travel agency dahil kailangan niyang magtrabaho kaagad at kapag nakapag-adjust na siya ay mag-a-apply din siya sa malalaking kumpaniya. Confident siya dahil sa Ateneo siya nagtapos.
Naranasan ni April ang pagiging mahirap at palaboy kaya madali siyang nakapag-adjust sa paligid ng kanyang dinaraanan sa Cubao, lalo na sa gabi.
Ilang gabi na niyang ginagawa ang dumaan sa mga kalyeng iyon sa likod ng Ali Mall. Naiinis ito kapag may mga lalaking tumitingin sa kanya at malimit na pinipituhan.Dahil doo’y lagi niyang isinusuot ang hoody para naitatago ang kanyang mukha. Lagi siyang naka-maong pants kapag pumapasok dahil natatakot siyang mag-bestida at baka tsansingin siya ng mga lasing na nasa umpukan o di kaya’y mga lalaking kasabay at nakakasalubong niya sa paglalakad. Minsan kasi ay naka-bestida at pustrang-pustura siya pero sa kasamaang palad ay napagkamalang prostitute—hinintuan ng isang matandang lalaking naka-kotse, kinindatan at pinapapasok sa kotse. Mabilis siyang tumakbo at nagtago sa isang pasilyo.
Mag-iisang linggo pa lamang siya sa kanyang pinagtatrabahuan at mag-iisang linggo na rin siyang umuuwi nang ganito sa inuupahang kuwarto. Hindi niya magawang indahin ang mabahong amoy sa paligid dahil gusto niyang panindigan na kaya niyang mabuhay ng mag-isa.
Nagulat siya sa kanyang narinig na sipol mula sa kanyang likuran. Nang tumingin siya roon ay nakita niya ang dalawang lasing na lalaking parehong payat—napaisip siya na hindi lamang lasing ang mga ito kundi mga naka-drugs pa.
Sumipol muli ang mga ito at sinundan si April.
“Shit…,” pabulong niyang nasambit. Hinigpitan niya sa pagkakatali ang kanyang hoody. At sa kagustuhan niyang umiwas sa mga lalaking bastos ay bigla siyang lumiko sa isang madilim na eskinita. Hindi naglaon, nawala na ang mga hakbang ng maingay na paglalakad ng mga lalaking susumusnod sa kanya—naisip ni April na nailigiaw niya ang mga ito.
Thank God…
Huminga ng malalim si April, ipinikit saglit ang mga mata. Sa halip na takot ang isinaksak niya sa kanyang utak ay inilihis niya ang kanyang iniisip. Inisip niya bigla ang katapangan ng kanyang Tita Fiona. Ang unang pagdating niya sa bahay nin Don Patricio. Ang unang pagkikita nila ni Hans at kung ano-ano pang maisipan niya. Mahaba na ang nalakad ni April sa eskinitang iyon nang biglang nagulat sa pagsulpot ng isang lalaki. Kulay itim ang suot nito, may bigote at mahaba ang kanyang buhok—si Adix.
Umiwas si April kay Adix pero kahit saang direksiyon siya magtungo ay hinaharang siya ng lalaki. Ngumisi pa Adix nang nakakaloko.
“Sino ka? Please kung ano man ang balak mo, nagmamakaawa ako sa iyo, paraanin mo ‘ko.,” pakiusap ni April.
Dahan-dahang dumapo ang kamay ni Adix sa hood ni April at ibinaba ito. Nakita niya ang kabuuan ng kanyang mukha. “You’re beautiful kaya pala nahuhumaling sa ‘yo si Luis.”
“Kilala mo si Luis?”
“Um-um,” nakangising sumagot si Adix.
“Okay, I need to go.”
Pero bago pa nakapagsalita si Adix ay isang malakas na hampas ang dumapo sa mukha nito. Nagulat si April sa animo mala-kidlat na pangyayari—mismo sa kanyang harapan.
“April, run! Run!” sigaw ni Hans.
Hindi nagawang tumakbo ni April sa kanyang nakikita—para siyang napako, nasemento habang nasasaksihan ang nangyayari. Nakita niyang nagsusuntukan at nagsisipaan sina Hans at Adix. Para silang kidlat na hindi makuhang sundan nang tingin ni
April sa bilis ng mga kilos nito. Ang tanging malinaw lamang sa kanya ay ang nalilikhang hangin dahil sa bilis nga nila sa pagtutunggali at ang isinisagaw nila sa kanilang mga bibig sa bawat suntok at sipa ng mga ito.Sa dilim ng gabi ay mistulang apoy na gumagalaw ang kulay pulang mga mata nina Hans at Adix. Naroong lumipad sila sa ere at kumakapit-kapit sa pader ng mga bahay upang lusubin at ilagan ang isa’t-isa. Naisip ni April na mga hayup lamang ang may kakayanan ng nasasaksihan niya sa kasalukuyan kina Hans at Adix. Mistula silang mga hayup na nagliliparan habang sila ay naglalaban.Habang nakikita niya ang lahat ay hindi nakatakas sa kanya ang minsang sinabi ni Hans: Hindi pa ba sapat ang nakita mo sa akin at sa aking ama?
At naisip niya—ang kanyang nasasaksihan ay kakaibang nilikha nga lamang ang may kakayahan nito at hindi ng sa isang tao. At naisip niya ring tapos na ang kanyang denial periodna siya ay nabubuhay nga sa mundo na dati ay itinuturing niyang kababalaghan—na siya ay nabubuhay sa piling ng mga bampira.
Pero habang pinapanood niya ang nangyayari, biglang humarap sa kanya si Adix at higit pa sa bilis ng kidlat ang sumunod pang nangyari—nadama niya ang kamay nito at siya natumba.
******
“APRIL? April?” Nagising siya sa boses ni Hans.
Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nakahiga pa rin ito sa espaltong daan na iyon sa eskinita; hawak-hawak siya ni Hans upang buhatin. Sa kanyang tabi ay nakita niya ang katawan ni Adix, may tarak sa kanyang dibdib—na kung saan ay may sumisibol na dugo. Hindi ordinaryong panarak ang nakabaon sa dibdib nito kundi isang silver na bakal iyon. Napanganga siya sa kanyang nakita.
“You’re safe now. He’s dead,” paniniguro ni Hans.
Sa ilang saglit ay nakita niya ang katawan ni Adix na unti-unting naaagnas at naging abo at hinipan ng malamig na hanging iyon sa eskinita.
Tumayo si Hans—buhat-buhatsi April. Na sa mga oras na iyon, kinukumbinsi pa rin ni April ang kanyang sarili na ang lahat ng mga nangyari ay totoo.
Tahimik na inilayo ni Hans si April sa madilim na lugar na iyon habang buhat-buhat ito na ang tanging saksi lamang ang liwanag ng buwan na sumisilip-silip sa maulap na kalangitan. At kapansin-pansin na lalo pang nagtago ang buwan sa gumagalaw na ulap sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...