CHAPTER 24

3K 85 3
                                    

CHAPTER 24

NAMAMANGHA pa rin si April sa kanyang nasasaksihan. Nang mag-park ang sasakyan nila ni Hans ay hindi pa rin siya makapaniwala. Lahat ng nasa paligid ay mga lalaki lamang at siya lamang ang babae sa malawak na lugar na iyon.

          Pagbaba niya ng sasakyan ay tumingin siya kay Hans at kinausap. “Hans, what place is this? Club Rufus?”

          “Yeah, it’s called Club Rufus.”

          Ang Club rufus ay isang exclusive memebership club ng mga lalaking bampira sa Pilipinas. Walang ibang nakakapasok sa club kundi mga bampirang mga lalaki. Minsan lamang sa isang taon maaaring pumasok ang mga kababaihang bampira.

          Walang nakakaalam sa sikretong lugar na ito kundi ang mga bampira lamang. Matagal na panahon—libo-libong taon na ang nakakaraan nang mabuo ang Club Rufus. Bawat bansa ay may Club Rufus. Ang lugar na ito ay mahigit sa tatlong libong hektarya mula sa entrance nito. Walang ibang nakakapasok dito dahil ito’y tagong-tago. At ang sino mang magtangkang  pumasok ay walang nakakalabas ng buhay kaya walang nakakadikubreng nilalang na tao rito.

          Isang community ang Club Rufus na kompleto sa lahat. May mga restaurants, hotel, spa, moviehouse, sports complex, at kung ano-ano pa. Kapansin-pansin ang cabanas na nakakalat sa buong complex. European style ang mga ito na may tig-iisang silid. Kahit luma na ang mga ito ay well-maintained pa rin. Ang higit na kapansin-pansin dito ay ang mga batis na nakapaligid sa complex. Napapaligiran ng mga burol ang lugar at may mga tulay na nag-uugnay sa bawat burol. Kapag naglakad ka sa mga sementadong mga tulay ay matatanaw ang mga batis at mga talon na naroroon na dumadausdos sa mababatong parte patungo sa mga batis. Kapansin-pansin din ang tubig nito na nanggagaling sa mga talon mula sa bukal ng mga bundok sa paligid. Hot spring ang mga ito kaya umuusok ang mga talon at batis. Isa itong virgin forest; hindi ginalaw ang malalaking mga halaman kaya mistulang dambuhala sa laki ang mga puno. Mistula itong last frontier ng Pilipinas na hindi ginalaw ng kahit na sinong nilalang. Makapal  ang tropical plants and trees na nakapaligid. Ang tanging dinevelop lamang para sa Club Rufus ay yaong mga kailangan nila para ma-kompleto ang amenities nito. Higit na malawak ang iniwang virgin forest nito kaysa dinevelop ng mga miyembro ng Club Rufus.

PUMASOK sa isang cabana sina Hans at April. Manghang-mangha siya sa loob nito. Ang Europen design nito sa labas ay animo naging eclectic dahil ang interior nito’y contemporary Asian. May pagka-zen ang loob nito. Madalas mag-renovate ang Club Rufus. Ngayon ay uso nga  ang contemporary Asian kaya isinunod nila rito ang interior ng mga cabana. Hindi nila iniiba ang exterior design upang mapanatili ang orihinal na disenyo ng mga ito.Pinapanatilihin ang ayos ng lugar ng mga miyembro para manatiling maganda ang kabuuan ng complex.

          May kakaibang naramdaman si April sa mga sandaling iyon dahil bukod sa halimuyak na lavender na sa tingin niya ay nagmumula sa organic na mga tuyong dahon na nasa loob ng cabana ay nakatawag pansin din sa kanya ang romantic music na intrsumental na nanggagaling sa saxophone. Luminga siya sa paligid upang hanapin ang pinanggagalingan ng napakagandang musikang iyon dahil parang live ang dating sa kanya—napaka-claro nito at napaka-romantic and yes, sexy na natitiyak niyang ngayon lamang niya  narinig ang ganoong musika.

          “You cannot change the music. The control is in the main clubhouse. Espesyal ang gabing ito, April kaya hindi ko ito  pinalampas na hindi kita dalhin dito.”

          “What makes it special?”

          “You have to experience it for you to understand.”

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon