CHAPTER 19
SA STUDY, sa mansyon ay naroon si Hans. Sa halip na nagtatrabaho sa kanyang laptop ay umiinom siya ng scotch; nakatayong nakatanaw sa may bintana. Huminga siya nang malalim habang nakahawak sa kanyang dibdib.
I can feel you, woman… I could feel you… Nakakabit ka sa akin. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo pero hindi ako sigurado kung ako ang laman ng pusong dala-dala mo. Is it me or is it Luis?
That’s unfair.
Natigilan siya sa pamilyar na boses na kanyang narinig. Bumaling siya sa kinaroronan niyon.
“Ituloy mo ang nararamdaman ng pusong ‘yan Hans. I know it’s April.” Nagmula ang tinig na iyon kay Don Patricio.
“You don’t understand, Pa…”
“I do. Ganyan din ang naramdaman ko noon nang mahalin ko si Elvira, your mother. Ayoko siyang saktan at kagatin pero nang maisip kong ang pagmamahalan namin ay panghabambuhay, ginawa ko iyon.”
Huminga ng malalim si Hans. “To begin with, hindi ko naman alam kung ako ang laman ng puso niya. May nararamdaman ako, Pa… Because I could feel it—we’re sharing one heart, nararamdaman kong umiibig siya. Is it me, or with another man—‘yon ang tanong ko.”
“C’mon, son don’t fool yourself. Ikaw ang mahal niya.”
“Will she fall in love with a vampire? Iba siya sa ibang mga babaeng nakilala ko. She’s fragile. At nang dumating si Luis, naguluhan ang mundo niya. He’s her childhood sweetheart.”
“Go for it Hans. Don’t give up. You’re stronger than Luis. He’s just human.”
Nginitian lamang ni Don Patricio si Hans at tumalikod, naglakad palabas ng study.
GABI NA nang makauwi siya sa mansyon. Tahimik ang buong kabahayan nang buksan ni Bella ang pinto sa main door. Matapos niyang magpasalamat sa mayordoma ay naglakad siya—umakyat ng hagdanan patungo sa kanyang silid. Pero ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita niya sa veranda ng kanyang dilid si Hans, nakatayo ito at nakatingin sa kanya.
“Hans?”
Tiningnan ni April nang mabuti ang lalaking nasa veranda.
“Hans, what are you doing here?”
Pumasok na ito nang tuluyan sa kuwarto. “What do you think am I doing? Binabantayan kita, dahil kahit na anong oras ay may masamang mangyayari sa ‘yo. Hindi ka dapat nagpapatagal sa labas ng bahay. After work, you should go straight home.”
Lumapit nang dahan-dahan si Hans sa kanya. Muli ay nakita na naman niya ang kabuuan nito. Ang mala-Adonis na pigura nito. Nakasuot na naman siya ng T-shirt na kulay puti na bahagyang naka-fit sa kanya. Kitang-kita niya ang naka-umbok na chest nito at lalo pang umuumbok sa tuwing humihinga ito ng malalim. Naroong muli ang mapang-akit na aura ng binata; ang nangungusap na mga mata at makakapal at mamula-mulang labi na minsan nang humalik sa kanya.
What a man… What a vampire…
“April…”
Pangalan lamang niya ang binigkas nito’y waring napapasunod sa ano mang gustuhin sa kanya. May kaba siyang naramdaman.
“Are you hypnotizing me? Bakit ka ganyan kung makatingin sa akin?” Hindi na niya kaya ang katahimikang iyon kaya sinabi na lang niya ang kung ano’ng nasa isip niya. Bahala na.
Napangisi si Hans. “If you are being hypnotized by me then wala akong magagawa. Hindi naghi-hypnotize ang mga bampira, April. They bite. They suck human blood…”
“Then what are you doing here?”
“Keeping an eye on you.”
“Huh? Panonoorin mo ‘kong maligo at matulog?”
“Why not?”
“This- This is ridiculous.”
Hindi pa rin niya maiwasan ang hindi napapatingin sa lalaki. Kung bakit kasi habang tumatagal na nakikita niya ang lalaking ito ay lalong nagiging sexy at attractive sa kanyang paningin; lalong nagiging intense ang kanyan nararamdamang atraksiyon dito.
“I’ll go straight to the point, April. Are you in love with Luis?”
Napanganga si April sa kanyang tanong.
“Why- Bakit- Bakit gusto mong malaman ang- ang bagay na ‘yan?”
“I have to know.”
“I- I mean, Hans, that’s too personal.” At nagkaroon siya ng lakas ng loob na tingnan ito nang diretso.
“Alam mo ba kung ano’ng mangyayari kapag sumama ka sa Luis na ‘yon? They will kill you.”
“No— As I have said Luis won’t hurt me.”
“I’m referring to the Villaromans. Gagamitin nila si Luis para patayin ka.”
“And why should I be afraid of dying?”
Hindi sumagot si Hans. Tiningnan lamang siya nang diretso. Iniwas ni April ang kanyang tingin upang maituloy ang sinasabi.
“We humans die.”
Napalunok si April. “Kailangan mo lang ako dahil may pakay ka.” Ibinuka niya ang kanyang bibig para ituloy ang kanyang sinasabi. Humugot siya ng lakas ng loob sa kanyang dibdib upang sabihin ang kanyang gustong sabihin pero hindi niya iyon magawa. Tuluyan nang nanuyo ang kanyang lalamunan—hindi dahil sa natatakot siya sa kaharap na lalaki, kundi dahil baka tuluyan nang mawala si Hans sa kanya kapag ginalit niya ito dahil iniisip niya na hindi niya magagawang galitin ang isang taong minamahal na niya—sa aminin man niya o hindi. Pero mahal din kaya siya?
“What do you mean woman? Pakay? Why? Iniisip mo ba na ginagamit kita?
“Sa ‘yo na ‘yan nanggaling.”
Tuluyan niyang iniwas ang kanyang tingin sa lalaki na parang batang nang-iinis. Namalayan niya ang kanyang inasal pagkatapos niyang banggitin iyon. Kinagat niya ang kanyang labi dahil ayaw na niyang ituloy ang sinasabi ng dibdib niya at nagmumukha na siyang childish. Ano ba ang lalaking ito at sa tuwing kaharap ko’y nawawala ako sa aking sarili? Kanina, bago pa ako dumating dito ay hinanda ko na ang sasabihin kong panunumbat sa kanya pero bakit tila naguguluhan ang utak ko at hindi ko nasasabi sa kanya nang maayos ang nararamdaman ko. I need help.
Nanggugulo rin ba ng utak ang bampira? tuloy ng isip niya.
“April.”
Naramdaman niya ang mainit na palad ni Hans na humawak sa kanyang kamay. Hindi na niya maiwasan ang hindi tumingin dito.
“I’m warning you, stop seeing Luis.”
“Hindi tayo magkaano-ano. Eh-ano ngayon kung magkatuluyan kami. Tingin ko, mahal ako ni Luis. Aalis kami.”
“Hindi kayo titigilan ni Don Alvaro.”
“That’s what you think. Maraming paraan.”
“Okay, okay, kung mapilit ka, go. Kung mahal mo si Luis, be it.” Bumitiw si Hans sa pagkakahawak sa kanya.
Lumakad na palabas ng kuwarto si Hans nang napangangang tinapunan pa ito ng tingin ni April.
Hans…
Muling bumaling si Hans nang malapit na siya sa pinto.
“Mark my word, kahit kailan ay hindi ako manggagamit para sa sarili kong kapakanan, lalo na sa iyo, April. Lalo na sa ‘yo.”
Tuluyan nang lumabas ng kuwarto si Hans.
Hans!
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...