CHAPTER 13
“I TOLD you April—you are in danger.”
“How did you know?” malumanay niyang tanong, nakayuko at nakatingin siya sa sahig.
“Nasa iyo ang kalahati ng puso ko… Nararamdaman ko, kahit noon pa man. Kahit noon pa ma’y ‘yun ang nag-uugnay sa atin. Nararamdaman ko kapag nasa kapahamakan ka.”
Wala nang naisip pang isinagot si April sa sinabi ni Hans. Sa lahat ng nasaksihan at naramdaman niya sa mga nakaraang araw ay parang wala na siyang karapatang magtanong nang marami. Patuloy siyang bahagyang humihingal, nakakaramdam pa rin ng pagod.
“Dito ka dapat mamalagi, April.” May utos ang sinabi ni Don Patricio.
Napasulyap lamang si April kay Don Patricio at hindi na sinuklian pa ng sagot.
“You need to rest,” muling sabi ni Don Patricio, sinulyapan si Hans at sumenyas na kailangang iwan na siya sa silid.
Hindi pa lubusang nakakalabas sina Hans at Don Patrcio nang magsalita si April.
“What shall I do now? Sino ang lalaking ‘yon? ‘Yung bampira na namatay.”
Nagtinginan ang mag-ama sa tanong ni April.
“April, I think you have to know who Adix was. Siya ang nagtangka sa iyong buhay. Malinaw na gusto ka niyang patayin,” paniniguro ni Don Patricio.
“But why?”
“Do you know the Villaromans?” tanong na muli ng don.
“Villaroman Holdings you mean? Yes, I know them.”
“That’s right. The company is owned by a certain Alvaro Villaroman.”
“Yeah,” tumango siya. “I don’t know him personally but I know Luis…”
“Luis Novero?” pagpapatuloy ni Don Patricio. “Si Luis ay ang ampon ni Alvaro. And you have to avoid—“
“How come you know that guy?” Hindi pinatapos ni Hans ang sinasabi ng ama—gusto niyang malaman kaagad ang isasagot ni April.
“I know him, matagal na.”
“What do you mean—matagal na?” Hindi lamang tanong ang isinagot ni Hans kundi may pagtataka at may galit.
“He’s a friend, mga bata pa kami. Nakipagkita ako sa kanya. Matagal ko na siyang hinahanap. Nakasama ko siya sa ampunan at kilala ko ang kanyang ama…”
May saglit na katahimikang naghari pagkaraan ng sagot na iyon ni April.
“Then you are really in danger, April. The Villaromans are our enemies. Mga bampira rin sila.” Lalong tumigas ang mukha ni Hans.
… Nagpatuloy si Don Patricio.
“Si Alvaro ang pumatay sa aking asawa—ang ina ni Hans. Gusto niyang agawin sa akin si Elvira. Si Alvaro ang kumagat kay Elvira upang maging ka-uri namin kaya masama ang loob niya at ako ang napupusuan ni Elvira at hindi siya. At hindi iyon matanggap ni Alvaro. April, kagaya rin ng mga tao, ang mga bampira ay may mga kaaway rin. Ang kaibahan nga lang namin, daan-daang taon o libo-libong taon ang itinatagal ng aming sigalot dahil hindi kami namamatay. Marami na ‘kong pinuntahan at tinirhang mga bansa—Amerika, Europa, South America, South Africa, at kung saan-saan pa. Matagal na hindi kami magkaanak ni Elvira. At nang ipagbuntis niya si Hans ay dito kami namalagi. Sinundan pa rin kami ni Alvaro at nagtayo rin siya ng negosyo rito. Kasama niya ang kanyang mga anak na sina Adix at Maxine. Wala na siyang asawa, dahil pinatay niya ito nang minsang mahuli niyang kinakaliwa siya. Si Alvaro… Si Alvaro…” Huminga ng malalim si Don Patricio; tumingin kay April. “Ang misyon ni Alvaro ay ang wasakin ako. At si Luis Novero na kanyang ampon ang kanyang gustong sumunod sa kanyang mga yapak pagdating sa negosyo, dahil matalinong bata si Luis. Ayaw na ayaw ni Alvaro sa kanyang basagulerong anak na si Adix.”
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...