CHAPTER 18
SA ISANG tagong lugar ng Zuni, isang fine dining restaurant sa Greenbelt ay inaya nina Fiona at Dr. Velasco si April. Doon ay umorder lamang siya ng salad. Ito ang madaling orderin sa panahong sumusunod na lamang siya sa agos ng buhay kung saan siya dadalhin…
“Mahal ko si Fiona, April.”
“Doc?”
“Call me Andrew,” sagot nito. “I prefer that.”
“Mahal ko si Andrew, April,” sabi ni Fiona. “It has grown and developed from the first time I met him. Pero ayokong i-entertain noon dahil may sakit ako…” Natigilan ito nang ma-realize niya ang kanyang sinabi. “I mean, noon.Noong may sakit pa ako.”
“Tita, I could not believe this. You look young and healthy. Parang hindi ka man lang nagkasakit.”
Huminga ng malalim si Fiona bago niya nakuhang sagutin si April.
“I am now one of them, April.” Bumaling ito kay Andrew.
Napakunot-noo si April, napanganga. Hindi niya nakuhang magsalita sa kanyang narinig.
“Madali lamang mahalin si Andrew pero sinikil ko, hanggang sa bumigay ako at hindi ko na makayanan”
“April, your Tita Fiona is already one of us. She is now an immortal being,” salo ni Andrew.
“Stop this crap…”
“I know you don’t mean that. Ayaw mo lang tanggapin. Alam ko na alam mo ang sinasabi ko. You are with the Sandejas,” pagpapatuloy ni Andrew.
“Bukod sa mahal ko si Andrew ito lamang ang paraan para madugtungan ko ang buhay ko. Yes, April, kapag isa ka nang bampira ay mananatili kang bata. Dugo ng tao ang bumubuhay sa akin ngayon.”
“Tita Fiona..?”
“I had no choice, April. I want to live. Besides hirap na hirap na rin ako.”
“At pumapatay ka na rin ng tao?”
“Kanya-kanya ng papel sa mundong ito. Everyone has a role to play. Dito ako at heto na ako, isang bampira,” matigas na sagot ni Fiona.
“At noong dalhin mo ako sa mansyon ng mga Sandejas, nalalaman mo na sila’y mga bampira…”
Umiling si Fiona. “No. Until Andrew came into my life. Ipinagtapat niya sa akin pero nasa poder ka na ng mga Sandejas noon. Kahit ano pa ang gawin ko, wala kang ligtas, April.”
Napuno nang tanong ang mukha ni April.
“April, ikaw ang matagal na hinahanap ng mga Sandejas. Kahit ano pa ang gawin mo ay makikita at makikita ka rin nila. Nalalaman ni Don Patricio na darating ang araw ay dadalhin ka ni Fiona sa kanila. Binantayan nila ang buhay mo noon pa mang kunin ka ni Fiona sa ampunan.”
“Ipinagtapat na nila sa akin ang lahat… ang kalahati ng aking puso ay kay Hans Sandejas,” nakayuko si April nanagsaita habang nagpalinga-linga ng tingin sa salad na tinutusok niya na hindi naman niya isinusubo.
“Hindi doon natatapos ang kuwento, April. Kailangan ka ni Hans…”
Natigilan at napatingin si April kay Andrew.
“Hindi ganap na imortal si Hans kung mawawala ka sa buhay niya, at kailangan ka niyang kagatin.”
“What are you saying?”
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...