CHAPTER 27

2.9K 82 1
                                    

CHAPTER 27

NAGISING siya ng liwanag mula sa bintana ng cabana. Pero hindi tulad ng gabing kalilipas pa lamang, may narinig siyang iilang mga taong nag-uusap sa labas ng cabana. Narinig niya ang mga paglalakad at pag-uusap ng ilang mga miyembrong gising na at ang shuttle na umaandar sa labas. Bigla niyang naalala ang nangyari. Napahawak siya saglit sa kanyang dibdib at napaatingin sa nilalang na katabi niya sa kama. Tahimik na natutulog si Han. Bumaling siya siya sa katabi at kanyang pinagmasdan. Napansin niya na iisa lamang ang kanilang kumot. Sa liwanag na nagmumula sa miminsanang sumisilip sa bintana ay ngayon lamang niya nakitang natutulog ang lalaki. Napakaamo niyon.

          What a creature…

          Sinuri niyang muli ang kabuuan ng mukha nito. Ngayon lamang niya ito nakita kung paano ang kanyang hitsura kapag ito’y natutulog, nakapikit, at napakatahimik. Napakaamo ng mukha ni Hans, naisip niya. Lahat ng parte ng kanyang mukha’y kahanga-hanga. Bahagya pang gumalaw ang mapupulang labi nito na parang sanggol na humikab. Napangiti si April.  Pero sa likod ng maamong mukhang ito’y nararamdaman pa rin ni April ang kakaibang command nito na nakapagpapahina sa sino mang babaeng kanyang nanaisin.

          Marahang nagbukas ang mga mata ni Hans. Matipid siyang nginitian.

                   “Yes?”

          Napaisip lamang siya at napangiti na rin.

          “Good morning..,” marahang sambit ni Hans.

“Good morning…,” sukli nito.

          Marahang hinaplos nito ang kanyang mukha. “I love you. I really do…”

          Mula sa kanyang likuran ay niyakap siya ni Hans. “April. How are you? How do you feel?”

          “I didn’t know anything about this club. In my entire life, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Sabagay, kanya-kanya ng mundong ginagalawan.”

          Napangiti lamang ito sa sinabi niya. “Masasanay ka rin. You better fix yourself at ipapasyal kita sa buong Club Rufus. Ipapakilala kita sa mga mambers.”

Malayang bumuhos sa kanyang hubad na katawan ang maligamgam na tubig na nagmumula sa shower. Pumikit siya at sinabon ang katawan. Mula sa ceiling ng comfort room ay nakikita niya ang kalangitan. Salamin kasi ang kalahati ng ceiling nito na siyabg nagbibigay ng skylight effect sa banyo. Pinagmasdan niya ang sinag ng araw habang naliligo siya, pero bigla siyang napatigil nang may kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Hinabol saglit ang paghinga. Bahagya siyang nanghina at kinilabutan. Pinatay niya ang shower—pumikit at hinabol niyang muli ang paghinga. Sa ilang saglit ay narinig niya ang pagkatok sa pinto.

          “April…  April, are you alright?”

          Dahan-dahan ay nawala ang paninikip ng dibdib ni April. Humakbang siya at lumapit sa pinto upang buksan.

          “Hans…” Tiningnan niya ito ng diretso. “Hans, I think I have to see Dr. Saavedra.”

          Walang naapuhap na salita si Hans.

          “Hans, I have to see him,” napalunok siya at sigurado sa kanyang sinabi.

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon