CHAPTER 21

3.1K 93 2
                                    

CHAPTER 21

KINAUMAGAHAN nang magising siya ay narinig niya ang kotse ni Hans. Nauna itong umalis patungo sa opisina. Hanggang sa ngayon ay pinagagalitan niya ang kanyang sarili sa nangyari kagabi. Ang kanyang tatlong oras na tulog ay dala lamang iyon ng pagod. At ang totoo’y hindi siya napakali noong gabing iwan siya ni Hans sa lobby.

Naisip niya na ang dahilan at nabanggit niya ang pangalan ni Luis ay dahil wala siyang ganap na closure sa kababata. Kahit papaano’y sumisingit pa rin ito sa kanyang isipan—iniisip na mahal nga niya ito marahil. Pero nang dumating si Hans, kahit na bampira siya ay hindi niya ito mapakawalan sa kanyang puso. Kung ang dahilan ay dahil dala-dala niya ang kalahati ng puso nito—wala na sa kaniya iyon. Kung magmamahal siya kahit na hindi tao at kung ito’y bampira man, sige na.

Nakasakay na siya sa kotse patungo sa Peak Industries nang tumawag sa kanya si Luis.

“Luis—“

“April, may usapan tayo na magkikita tayo, hindi ba?”

Lalong nagulo ang isipan ni April—makikipagkita ba siya o hindi?

SA MANSYON ng mga Sandejas sa Forbes Park, ganoon na lamang ang pagkagimbal ng mga kasambahay ni Don Patricio nang matagpuan na nakahandusay sa sahig ang don. Tinawag ni Aling Bella sa cellphone si Hans at sinabihan nito ang mayordomang huwag nang tumawag ng pulis at isara na lamang ang kuwarto kung saan ito natagpuang patay. Natagpuan nila ang matandang don na may tarak sa kanyang dibdib.

Hangos na umuwi si Hans. Pinulsuhan niya si Don Patricio at umiling siya. Mag-isa niyang binuhat ang bangkay ng kanyang ama at hangos na isinakay sa isa sa mga four wheel drive nilang sasakyan. Sinabihan niya ang mga katulong na siya na lamang ang mag-aasikaso sa ama sa punerarya.

NATAGPUAN ni April ang sariling nakasakay sa white  Montero Sport ni Luis. Kapansin-pansin dito ang kakaibang asal nito  kanina pa, mula nang sunduin siya sa Greenbelt.  Nginitian lamang ito pagkabukas ng sasakyan at nang pumasok siya’y walang salitang lumabas sa bibig ni Luis.

 “Luis, bakit hindi na lang tayo sa Greenbelt kaya? EDSA na ito.” Sa palagay niya’y pagkakataon na ito para basagin ang katahimikan sa kanilang dalawa.

“There’s a better place for us,” sumulyap ito saglit at nginitian si April.

Napalunok siya dahil iba ang kanyang iniisip. “And what’s that?”

Patuloy pa rin ito sa pag-drive na waring walang narinig.

“Kung iniisip mong sa isang pribadong lugar na walang ibang tao roon—no Luis?” May diin ang kanyang mga salita.

 Napangisi si Luis sa sinabi niya. “Hindi motel, April. At hindi rin ito private place. Somewhere in Ortigas. I know of a nice place in Metrowalk.”

Napahinga ng malalim si April. Isinandal niya ang kanyang ulo, hinaplos ang kanyang batok at ibinalik muli ang pagkakasandal. Nakatingin siya sa labas ng bintana—pinagmamasdan ang mga taong palakad-lakad at mga sasakyang walang tigil sa pagbusina. Naisip niya, napakagulo nga ng mundo—pero nasa nagdadala lamang kung papaano iyon susuungin. Sila rin naman ay may mga problema. Sino ba ang wala? Sa malumanay na music na nagmumula pa sa CD ng sasakyan ni Luis, ay hindi niya namalayang unti-unti siyang napapikit… nakatulog…

Bigla siyang napabalikwas nang maramdaman niya ang pag-preno ng sasakyan. Nagulat siya nang makita niya sa bintana ang papalubog na araw.

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon