CHAPTER 16
DAGLING lumabas ng ospital si April. Hindi na niya tinawagan si Mang Damian upang magpasundo sa labas ng lobby bagkus ay hangos na naglakad ito palayo. Gusto niyang maglakad—gusto niyang maglakad nang maglakad palayo sa ospital. Dinig na dinig ang ingay na lumuilikha sa taking ng kanyang sapatos. Natigilan lamang siya sa pag-ring ng kanyang cellphone. Nakita niya roong nag-register ang pangalan ni Luis. Minabuti niyang huwag muna itong sagutin dahil hindi siya nakahandang kausapin ang kahit na sinong tao sa mga oras na iyon.
So it’s really true! I am not a normal human being! There’s something wrong with me—with my heart. Oh my God, I have a heart of a vampire?!
Patuloy sa paghakbang ang mga paa ni April. Sumasabay sa mga sandaling iyon ang panahon; makikitang biglang tumipon ang makakapal na ulap sa kalangitan at tinakpan ang nagngangalit na araw. Dumilim ang paligid at nagbadya ang malakas na ulan.
Sa kanyang paglalakad ay natigilan siya nang makita niya ang isang babaeng sumasakay sa isang kotse. May lalaki sa driver’s seat at waring hinihintay ito sa parking lot. Pinagmasdan ang babae.
Tita Fiona?
Tumigil siya sa paglalakad. Ang nakapagtataka lamang kung si Fiona nga ang babae, bakit hindi ito mukhang may sakit at maaliwalas ang mukha. Nang huli niyang makita ang kanyang tiya ay nalalagas na ang buhok dahil sa chemo at payat na payat ito. Gusto niyang makitang mabuti ang babae—ang palatandaan ng kanyang Tita Fiona ay ang nunal sa pagitan ng ilong nito at ng makakapal niyang labi.
“Tita Fiona!” Sumigaw siya sa ‘babae’.
Napalingon ang ‘babae’ sa kanya, saglit lamang tumingin, blangko ang mukha at tuluyang sumakay sa kotse. Napatingin din ang lalaking nakasakay sa driver’s seat pero hindi niya iyon maaninag nang mabuti dahil tinted ang bintana. Tuluyang umandar ang kotse, kumurba at lumayo sa parking lot.
Natigilan si April nang muling mag-ring ang kanyang cellphone. Patuloy ito sa pag-ring kaya—
“Hello.”
“April,” anang sumagot sa kabilang linya.
“Luis, Luis—how are you?” Patuloy pa rin ang kanyang pagkaba.
“I’m okay. How about you?”
Hindi sinagot ni April si Luis; huminga lamang siya nang malalim, pinagmasdan—luminga-linga sa paligid.
“April?” anang nasa kabilang linya.
“Luis, wala ka bang nakikitang kakaiba?”
“What do you mean?”
“Luis, something mysterious, I mean something absurd is happening,” tuluyan nang nabasag ang boses ni April.
“Ang mga Villaroman. Sina Don Alvaro at ang kanyang pamilya ay mga bampira.”
Hindi sumagot si Luis.
“Do you understand?”
“Continue what you’re saying.”
“Ang mga Sandejas at mga Villaroman ay mga bampira. Pero sila ay magkakaaway. You’ve got to believe me on this, Luis,” pagdidiin ni April sa kababata.
Patuloy nang humihingal si April dahil sa kaba. “Kagagaling ko lang sa ospital at nagpa x-ray ako… Something… weird… Hello Luis are you still there?”
“I am listening, April.”
“Galing ako sa St. Luke’s and something weird happened inside the hospital. Ang sabi ni Hans, ang puso ko raw ay sa kanya. Half of his heart belongs to me. There’s a certain doctor na gumawa nito para mabuhay raw ako. And now, with what has been happening before my very eyes, I am convinced that everything is true!”
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...