CHAPTER 29

4K 106 3
                                    

CHAPTER 29

KANINA, paglapag ng eroplano, paglabas pa lamanang nila sa airport—isang black limousine ang naghihintay sa kanila sa labas ng exit door. Ilang minuto rin ang ibiniyahe nila bago sila nakarating sa mismong siyudad ng Rome. Hindi nakatakas ang ganda ng siyudad na ito sa kanya pero higit na nangingibabaw ang kanyang pakay sa pagtungo sa lugar na ito.

Sa Rome Cavalieri, isang sikat at kilalang hotel sa Roma kung saan huminto ang limousine. Kinausap ni April si Hans na kung maaari’y magkahiwalay na dalawang kuwarto ang kanyang i-book. Pumayag naman si Hans, naisip niyang marahil ay gusto nitong mapag-isa.

          Nakapagpahinga sila sa eroplano, kaya pagkatapos nilang mag-check-in ay nag-aya si Hans sa Piazza Navona. Ang Piazza Navona ay mistulang malaking plaza sa Roma na kung saan ay makikita ang mga naggagandahang al feresco restaurants na nakapalibot. Ang lahat ng mga gusaling nakapalibot doon ay mga antigo at Baroque Roman architecture ang mga ito kaya very romantic ang lugar. Nakadagdag pa ang pagiging romantic nito ng mga naglalakihan at naggagandahang fountains na nasa gitna ng malawak na lugar na iyon. Prominente sa gitna ng piazzang iyon ang Fontana dei Quattro Fiumi. May mga ilaw na nagmumula sa tubig n tumututok sa Roman sculptures na nasa fountain. Makikita rin ang mangilan-ngilang mga Italian painters na nagdi-display at nagtitinda ng kanilang mga obra. Ang ilan ay nagpipinta roon. Maraming mga turista at mga Italiano ang dinarayo ang lugar na ito dahil buhay na buhay ito sa gabi.

          Sa isang al fresco restaurant na kung saan tanawa nila ang piazza—naroon sina April at Hans sa mesang pang-dalawahan lamang na may kandila at bulaklak sa gitna nito. Sa isang ma-romantikong lugar na iyon ay pinagsaluhan nila ang authentic Italian food at red wine.

Kinaumagahan, bago pa nakapagbihis si Hans ay tinawagan niya si April sa kanyang kuwarto. Nagtaka siya saglit nang walang sumasagot doon. Napangiti siya at naisip niyang marahil ay nakatulog ito ng mahimbing at hindi na lamang niya dinayal muli ang telepono bagkus ay nagtungo siya sa banyo upang maligo. Ninamnam niya ang maligamgam na buhos ng tubig doon.

          At kagaya ng dati, kahit ano pa’ng isuot ni Hans ay bumabagay sa kanya. Mistula itong GQ model sa kanyang all-black sporty jacket at black din na maong na binagayan niya ng gray Burbery scarf.

          Nagtungo siya sa restaurant upang mag-breakfast. Umupo siya sa may isang mesang pang-dalawahan para sa kanila ni April nang dumating ang isang staff na mula sa front desk. “Senyore—“ bungad nito sa kanya.

          “For you. The lady in Room 305 gave this to me, April Garces is her name,” sabi nito na may Italian accent.

          May kaba siyang naramdaman nang mga sandaling iyon. Parang nahuulaan na niya kung ano ang laman ng sulat na iyon ni April.

HINDI nakatakas sa kanya ang ganda ng Vatican. Ang Roman architecture nito ay kahanga-hanga. Sa lawak ng Piazza San Pietro na siyang maaaring itinuturing na pinakatanyag na square sa buong mundo ay matatanaw doon ang ang St. Peter’s Basilica na nakaharap sa kanya sa dulo. Sa square na ito  na mistulang napakalaking plaza na yari sa natural stones ang grounds nagtitipon ang lahat ng mga diboto tuwing may malakihang misa, anunsyo o ano mang importanteng okasyon sa Vatican. Sa buwan ng Abril, ang lamig ng Roma ay pang-springtime lamang na klima, pero nang bumaba siya sa taxi na kanyang sinasakyan ay bigla siyang nakadama ng lamig. Tiniis niya iyon—nanatiling nakapalupot sa kanyang dibdib ang kanyang dalawang kamay para makadama ng init. Mabuti na lamang ay makapal-kapal ang suot niyang kulay itim na jacket, naisip niya kundi’y hindi malamang na hindi niya kakayanin ang lamig. Inayos niya ang nakalugay niyang buhok at itinali sa likuran. Saglit siyang tumigil sa gitna ng St. Peter’s Square na kung saan naroon ang obelisk ng Vatican. Magandang pagmasdan ang malawak na piazza—ang pabilog nitong parang nakayakap sa kanya sa gitna ng malawak na grounds nito na sa tingin niya doon sa isa sa mga bintanang iyon  ng basilica kumakaway tuwing may importanteng okasyon ang Papa na napapanood niya sa T.V.. Nakapalibot ang Roman structures  na alam niyang lahat ay puro antigo—may mga religious statue na nakahilera sa pinakatuktok niyon. At sa tingin niya, ang mga nakatayo sa taas ng basilica ay ang labingdalawang apostoles. Kahit sa lamig ng panahon na iyon ay maraming diboto ang naroon at napansin niyang iba’t-ibang lahi ang naroroon mula sa iba’t-ibang bansa. Napahinga siya ng malalim—inisip niya na sa ano mang oras ay makikita na niya ang kanyang hinahanap—si Sister Sonia.

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon