CHAPTER 14

3.5K 90 1
                                    

CHAPTER 14

PAKIRAMDAM ni April ngayon ay dapat na lamang siyang sumunod sa agos. Kung ano ang mangyayari—sige mangyari na. Sa isip niya, bahala na kung ano ang mangyayari. Mangyari na ang mangyari. Gusto niyang magpaka-busy sa trabahong ibinigay sa kanya ni Hans sa Peak Industries.

Hindi na niya nagawang magpaalam ng personal sa travel agency na kanyang pinasukan. Tinawag na lamang ang may-ari at nagdahilang may emergency at kailangan na niyang mag-resign kahit hindi na niya kunin ang suswelduhin sa maikling panahon na itinrabaho niya roon.

May mga papeles na itinambak si Donna sa kanya upang trabahuin. Naisip niya na kahit hindi iyon kasama sa kanyang trabaho bilang personal assistant ni Hans ay tinanggap na rin niya upang maging ganap siyang abala. At sa tingin niya, kahit abutin siya ng isang buwan ay hindi siya matatapos sa mga papeles na iyon. Puro encoding lang naman ito ng mga records ng Peak Industries na hindi pa nalilipat sa software.

I am just wondering, sa napakalaking kumpaniya nito, bakit hindi sila kumuha ng encoder noon pa man? These records are ten years old!

“Nagtataka ka siguro kung bakit mo ginagawa pa ang mga ‘yan?” nakataas ang kilay ni Donna na nagsalita.

Piniling huwag na lamang sagutin ni April si Donna. Ngumiti lamang.

“Na-corrupt ang files. Maraming hackers na mga gago sa tabi-tabi lalo na ang mga kumpanyang naiinggit sa Peak. Kaya we hired a very good technician that will protect the files. Siya na ang bahala niyan pagkatapos mong i-encode.” Sinagot ni Donna ang sariling tanong.

Napangiting muli si April at itinuloy ang ginagawa.

“Sige, Miss Garces, diyan ka muna,” pormal na sabi ni Donna at pagkatapos ay ngumiti nang makahulugan. Tinanggal nito ang salamin, naglagay ng pabango at tumayo. Nakita ni April na nagtungo ito sa kuwarto ni Hans. Nagtaka siya kung bakit pumasok na lamang ito sa silid ni Hans dahil hindi tumunog ang intercom upang tawagin siya ng binata. Bakit bigla na lamang siyang pumapasok sa kuwarto ni Hans?

Napatingin si April sa isa pang sekretarya, kay Violet. Hindi niya alam kung napansin nito ang pagtayo ni Donna sa kanyang upuan at pagtungo sa kuwarto ni Hans dahil sabay silang tumayo at naisip ni April na pababa na ito upang mag-lunch.

“YES, Miss Regalado?” bati ni Hans pagkakita niyang pumasok si Donna sa kanyang kuwarto.

“Sobra ka naman, Hans—may pa-Miss Regalado- Miss Realado ka pa. Why don’t you call me Donna. It’s breaktime and it’s not an official working hour ‘di ba?” Nang-aakit ang mga salitang iyon ni Donna.

“But you are in my office,” pagmamatuwid ni Hans.

Hindi pa rin tuminag si Donna, hinila niya pababa ang maiksing palda nang makitang pormal ang kaharap; nanatiling nakaupo si Hans sa kanyang mesa habang nagsasagot ng mga e-mail sa kanyang laptop.

Tuluyan nang iniba ni Donna ang kanyang kilos—ang kaninang pakendeng-kendeng at waring nang-aakit kay Hans ay kanyang binawi bagkus ay umastang disente. Kilala niya si Hans—arogante lalo na sa mga babaeng hahabol-habol dito.

“Mr. Sandejas…,” She clears her throat.

“Yes—?” nakasulyap siyang sumagot pero nakatuon pa rin sa kanyang laptop.

“What’s wrong? Hindi masamang manligaw ang babae, hindi ba? Ilang years na ako rito—I have been in this company for years an I am efficient hindi ba? If you base it on results okay ako at lagi akong model employee. Kung-Kung iniisip mo na ang habol ko sa ‘yo ay pera, nagkakamali ka—I care for you. I love you so much that I can sacrifice everything. Aalagaan kita.”

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon