CHAPTER 30
Sydney Harbour, Australia
Few months later…
SAKAY ng isang private ship sina April at Hans. Tahimik na naglalayag ang sinasakyan nila. Silang dalawa lamang ang naroroon maliban sa nagpapa-andar nito. Nasa may bandang unahan sila ng ship na iyon kaya ramdam na ramdam nila ang lamig ng hangin ng winter.
Isa sa mga bahay na nasa tagiliran ng harbor ay ang bahay nina April at Hans. Sa Sydney nila napiling mamalagi dahil naisip nilang malapit lamang ito sa Maynila bukod pa sa sariwa ang hangin nito. Binili ni Hans ang isa sa mga magarang bahay sa Vaucluse— isang sikat na lugar na tirahan hindi lamang ng celebrties at kilalang personalities ng buong Australia kundi ng buong mundo. Mula sa bahay nila ay tanaw ang dalawang sikat na structures ng Australia—ang Sydney Opera House at ang Harbour Bridge. Kapansin-pansin ang contrasting design ng mga ito. Ang Harbour Bridge na siyang nag-uugnay sa pinaka-siyudad at ng North Shore ay luma ang design samantalanng ang opera house ay moderno ang estilo.
Sa ilang buwan nilang pamamalagi sa Sydney ay walang ginawa si Hans kundi ang magtrabaho at si April naman ay nasa bahay at mina-manage niya ang foundation ng Peak Industries. Minabuti niyang sa charity works magtrabaho. Si Hans naman ay madalas mag-travel sa iba’t-ibang para sa kanilang negosyo.
Napatigil si April nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nang sagutin niya iyon ay walang boses siyang narinig. Tumayo siya sa akalang malayo ito sa signal pero nawala ito. Pagkakita niya ay ‘unknown number’ ang naroon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nag-ring itong muli.
“Yes?”
Mahina ang dating ng signal kaya sumenyas siya kay Hans na aalis muna sa kanilang inuupuan at nagtungo sa loob.
“Hello?”
“April—“
“Speaking?”
May kakaibang kaba siyang naramdaman nang marinig ang boses. Pamilyar sa kanya iyon.
“May I know this?”
“This is Patricio—“
“Pat- Patricio?”
“This is Don Patricio.”
“I don’t have time for this sick joke, ok? Bye—“
Akmang pipindutin na niya ang cellphone nang narinig pa niya itong nagsalita.
“I said, I’m Don Patricio!”
Muli niyang ibinalik sa kanyang tainga ang cellphone.
“Don Patricio..?”
SA TIMES SQUARE, New York ay naroon ang kausap ni April. Si Don Patricio. Kung susuriin ang edad nito ay nasa 25 years old lamang.
“I’m here in New York now. Matagal na. Hey, it’s weird here. I know it’s winter in Sydney and I know it’s not snowing there. And you know what, dapat ay summer naman dito but it’s snowing. The world is really changing.”
“Don Patricio…,” anang April sa kabilang linya. “How did this happen? I mean…”
“Tinawagan kita dahil alam kong darating ang araw ay magkikita rin naman tayo. Hans will tell you anyway. Asawa mo na siya. And I wish you all the best. April, I have to leave Manila. I realized that I still have life to liveafter Elvira. Sana’y matagpuan ko rito sa New York.” Natawa pa nitong sabi.
“Hey, April! Are you still there?”
“Yeah, I’m still here, Don Patricio…”
“By the way, my name here is Simon. Simon Depordou. Napapagkamalan akong French ng mga tao dahil fluent ako sa French. I said, yes I am kaya ganoon, Depordou ang apelyidong pinili ko. Anyway, I have good news for you, I got the part!”
Tumingin siya sa karatula ng theatre house na iyon sa kung saan kakalabas lamang niya. Ang karatula ng “Phantom Of The Opera.” I got the part of Raoul. I am the leading man. I’m so happy, dahil ito ang pangarap ko noon pa man—ang maging Broadway actor sa isang sikat na musical. This is the third night at ang dami ko nang tagahanga!”
Tumigil ang tingin niya nang makita ang Starbucks.
“Hey, April, I have to hang-up. Nagugutom na ‘ko. It’s freezing here. I have to go inside—I mean I need a heater.” Natawa niyang sinabi.
“Okay, bye…,” anang nasa kabilang linya.
Hinigpitan ni ‘Simon’ ang kanyang trenchcoat at pumasok sa Starbucks. Pinagpag niya ang naipong snow sa kanyang balikat at napaisip, bumaling muli ng tingin sa labas sa kung saan makikita ang kalsada ng New York na puno ng snow.
I feel happy… Weird? I missed her voice… Trully yeah… Lucky you, Hans… Hans Sandejas…
Napangiti siya at natigilan lamang nang mapansin niyang ilang beses na pala siyang tinatanong ng nasa counter kung ano ang oorderin niya.
“Ah… Latte please. Grande—“
BUMALIK na muli si April sa tabi ni Hans.
“Hans, you didn’t tell me this, your Papa—si Don Patricio. He just called up. He’s in New York and—“
“I know…”
Huminga ng malalim si Hans at tumingin sa malayo, dinama ang hangin ng Sydney winter.
“It’s been his dream—to make it in Broadway, noon pa mang hindi pa ako nabubuhay.”
Hinawakan ni Hans nang mahigpit ang kamay ni April.
“Now that you’re one of us—you should expect this; hangga’t nabubuhay ka sa mundong ito, daan-daang taon man, libo-libong taon man, hindi ka mauubusan ng istorya sa buhay. We are immortal beings. But there’s one thing that will not change—my love for you April.”
Iniwasan niyang magkaroon nang ano mang pangamba sa mga oras na iyon. Noon pa mang isa siyang tao ay sinanay na niyang sumunod sa agos. After all, happiness is a choice naisip niya.
“We’re sharing one heart. At walang makapaghihiwalay sa ating dalawa. Wala. Wala…”
Matapos nitong sabihin iyon kay April ay marahan niyang hinawakan ang kamay niya nang mahigpit. At sa mga sandaling iyon, oo nga naisip ni April na hinding-hinding mangyayari ang mapaghiwalay pa sila kailanmnan…
Muling tumingin sa kalayuan si April habang naglalayag ang private ship na iyon sa Sydney Harbor; kitang-kita niya sa di kalayuan ang Harbor Bridge. Bahagyang natakpan ang kanyang mukha ng kanyang buhok dala ng hangin. Hinawi iyon ni Hans, napangiti sa kanya at hinalikan niya ito sa kanyang mga labi. At pagkuwa’y muli nilang tiningnan ang magandang tanawing iyon sa harbor dama ang haplos ng malamig na hanging iyon ng Sydney winter…
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...